HOROSCOPE November 4, 2013 | Bandera

HOROSCOPE November 4, 2013

Madam Sophia - November 04, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kung alam mong nasa panig ka ng tama ipaglaban mo! Hindi dapat matakot na komontra, kung mali ang ginagawa nila. Sa pag-ibig, mamayang gabi kakaibang sarap ang ipapadama sa iyo ng kasuyong Cancer. Mapalad ang 1, 8, 23, 30, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Om.” Red at blue ang buenas.   
Aries – (Marso 21-April 19)—Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin! Sa pinansyal, sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan, pagkakakitaan mo sila. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong Libra, masarap siyang romomansa kaysa sa iba. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Lunes ngayon! Kung magsusuot ng kulay pula, tuloy-tuloy ang dating ng suwerte sa pag-ibig at sa salapi. Mapalad ang 2, 17, 26, 34, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Kastha-Aum-Raga.” Bukod sa pula mapalad din ang green.
Gemini – (May 21-June 21)— Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong! Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong mag-bayad ng utang. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na ibinibigay ng kasuyo, – para yan sa inyong pamilya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Tanging tadhana lamang ang makapagsasabi kung may ligaya pang naghihintay! Ngunit  hindi dapat malungkot, may isang Virgo na naghihintay sayo, wag ka ng umarte – sungaban mo agad siya! Sa pinansiyal, di baling gumastos, basta ito ay para sayong ikaliligaya. Mapalad ang 1, 9, 18, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Red at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Pera na naman ang problema! Hindi dapat mabahala, sa susunod na mga araw  darating na ang malaking halaga ng salapi. Sa pag-ibig, magpasalamat sa kasuyong galante, makakatikim ka na naman sa kanya ng mamahaling regalo. Suwerteng pang-exchange gift ang coffee mug. Mapalad ang 5, 17, 23, 33, 41 at 46. “Aum-Gayatri-Om.” White at old rose ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Hindi dapat kagalitan ang mga tatanga-tanga, napaghahalata tuloy na ikaw man ay may mahinang pag-iisip. Kung ayaw nilang gawin ang tama, ipakita mo sa sarili mong halimbawa. Sa pag-ibig, iistorbohin ka na naman ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Yara-Salveme-Om .” Red at gold ang buenas.
Libra– (September 23-October 23)—May magte-text, isang hindi kakilalang nilalang may lihim siyang pagtingin sayo. Wag mo siyang “replayan” mapapahamak ka lang! Sa pinansyal, imbis na ubusin ang oras sa pagpe-Facebook, mag-isip ng pagkakakitaan ngayong kapaskuhan. Mapalad ang 7, 19, 25, 29, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Ketu-Mandala-Om.” Green at blue ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Labis lamang ang pagmamahal sayo ng kasuyo kaya siya nagiging maseselosin. Mamayang gabi, romansahin mo siya ng todo upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, magnegosyo ka ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman ka. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om-Halka.” Beige at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May bababala ng karamdaman! Pahinga muna sa tabaho! Mag-libang, makinig ng musika habang nagpe-Facebook.  Sa pag-ibig, iwasang makipag-chat sa mga hindi kakilala, baka mahulog ka lang sa kaimmoralan. Mapalad ang 3, 8, 15, 26, 34, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Puranha.” Maroon at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Huwag masyadong magparami ng salapi! Hindi mo yan madadala sa langit! Alalahaning  masarap magtulog ng tiwasay at walang inaalala. Sa pag-iibig, hindi matutumbasan ng anomang halaga ang pagmamahal sa ng kasuyo – uwian siya ng pansit! Mapalad ang 4, 13, 22, 38, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Om”. Pink at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Sa pinansiyal, wag masyadong abusuhin ang katawan sa mga bagay na hindi naman nakatuon sa pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mas magiging masigla ang aksyon kung bago magniig hihigop muna ng mainit na kape. Mapalad ang 4, 17, 28, 34, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jhana-Om-Nama.” Gray at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ngayon palang planuhinna ang gagawin sa 13th month pay, sa halip na ubusin sa walang kapararakang pag-gasta, ilagay ito sa proyektong pagkakakitaan. Sikaping unawain ang kasuyong  Cancer, at kumbinsehin siyang gumawa ng mga hakbang kung paano kayo yayaman. Mapalad ang 2, 7, 29, 32, 37 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nariva-Om.” Blue at gold ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending