Presyo ng produktong petrolyo tataas ng halos P2 –oil companies

Presyo ng produktong petrolyo tataas ng halos P2 –oil companies

INQUIRER file photo

MGA ka-BANDERA, mukhang kailangan niyo nang magpagasolina!

Magpapatupad kasi ng umento sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Base sa inilabas na advisory ng Unioil, ang dagdag-presyo sa diesel ay P1.50 hanggang P1.70 kada litro, habang ang gasolina ay tataas naman ng P1.10 hanggang P1.30 per liter.

Nagsabi na rin ang Department of Energy (DOE) na posibleng magtaas ng presyo ang gasolina mula 90 centavos to P1.20 per liter, nasa P1.20 hanggang P1.40 kada litro ang diesel, at ang kerosene ay magiging P1.10 to P1.30 kada litro.

Baka Bet Mo: Xian may nakakalokang hugot sa oil price hike: ‘Ayoko na…pag nagmamahal ako, ang daming taong nagagalit’

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang taas-presyo ay batay sa four-day trading sa pandaigdigang merkado ng langis.

“Oil futures were little changed Thursday morning (April 4), taking a breather after a four-day winning streak attributed to fears of a wider conflict in the Middle East, especially the Israel-Hamas might spread to include Iran; the Ukraine attack on Russia’s oil refineries; the Opec’s (Organization of the Petroleum Exporting Countries) decision to continue its policy on production cut; and signs of stronger economic growth in the United States and India,” sey ni Romero.

Sakaling tama ang projections, ito na ang ikaapat na magkasunod na linggo na magkakaroon ng umento sa presyo ng langis

Noong nakaraang linggo, tumaas ang presyo ng gasolina ng 45 centavos kada litro, habang ang diesel at kerosene ay bumaba ng 60 centavos per liter at  P1.05 per liter, respectively.

Mula nang mag-umpisa ang taong 2024, ang kabuuang itinaas na presyo sa gasolina ay P8.20 kada litro at P4.50 per liter naman sa diesel.

Read more...