Michelle Dee nakahanap ng bagong ka-date, ka-fez ni Papa P

Michelle Dee nakahanap ng bagong ka-date, ka-fez ni Papa P

KILIG na kilig ang madlang pipol at pati na rin ng mga netizens sa naging guesting ng Kapuso star at Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa “It’s Showtime”.

Sa unang araw ng pag-ere ng noontime program sa “It’s Showtime” ang actress-beauty queen ang naging special guest nila na siyang sumalang sa segment na “EXpecially For You”.

Kasama ni Michelle na siyang tutulong sa kanya na kumilatis sa mga searchees ang kanyang ina na si Melanie Marquez.

At ang masuwerteng lalaki na pumasa sa mga katanungan ng beauty queen-actress ay ang lawyer mula sa Cebu na si Oliver Moeller.

Baka Bet Mo: Michelle Dee inaming isa sa ‘most bashed’ Miss Universe PH winner

Bukod sa pasok kay Michelle ay aprub na aprub rin ito kay Melanie.

“I’m so glad na ang dali-dali mong makuha ‘yung hint ko. I’m really really grateful to God to have you in my life. Thank you for loving me, anak,” mensahe nito sa anak.

Nagbigay rin siya ng message sa napiling searchee ni Michelle.

“I really like you because first of all, you are a lawyer and I hope you are not a liar. But never the less, huwag kang matakot sa akin. I will not judge you because your not a book,” kwelang sey ni Melanie.

Hindi naman kataka-taka ang agarang pag-trending ng makaka-date ni Michelle.

Sa unang tingin kasi ay kamukha nito ang Kapamilya actor na si Piolo Pascual.

“hindi naman halata na kinilig si Michelle Dee dito.  And pag ngumiti si Atty. Oliver parang si Papa P! sobrang bagay talaga sila,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “YIE. HAWIG NI OLIVER SI PAPA P HHAHAHAAHAHAHAHAHA KAYA KUNG HINDI SI TONYANG, PLEASE PLEASE KAYO NALANG HUHU EHE.”

Ang Tonyang na sinasabi ay si Miss Universe Thailand Anntonia Porsild.

“Ang sarap naman ni Papa P, Oliver huhu Congrats momshie Michelle Dee,” sey naman ng isa.

Read more...