Janella Salvador nagbanta, huwag idamay ang anak sa isyu

Janella Salvador nagbanta, huwag idamay ang anak sa isyu

Janella Salvador

MULING naglabas ng pahayag ang actress-singer na si Janella Salvador upang depensahan ang sarili laban sa isyung naging “bastos” siya on national TV.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin humuhupa ang intrigang naging disrespectful ang aktres nang mag-guest ito kasama si Win Metawin sa “It’s Showtime” para i-promote ang kanilang pelikula na “Under Parallel Skies”.

Sa kanyang X (dating Twitter) account ay muli itong nagbahagi ng saloobin ukol sa isyu.

Pag-amin ni Janella, humingi na siya ng tawad sa taong hindi niya sinasadyang ma-offend.

“And just to be clear, I have personally apologized for unintentionally offending someone but not for setting a valid boundary.

Baka Bet Mo: Janella Salvador nagsalita sa isyung ‘binastos’ si Kim Chiu

“If you twist my words, that’s on you. I will always be assertive but never disrespectful,” sabi ni Janella.

Babala ng aktres, huwag idamay ang anak nila ni Markus Paterson na si Baby Jude sa kanyang kinasasangkutang isyu.

“If you can’t tell the difference and find something wrong with that, then you’re a people pleaser and again… that’s on you.

“Don’t you dare try and involve my son. The way most of y’all are boomers too. Embarrassing,” sey pa ni Janella.

Matatandaang ang isyu ay nagsimula nang hingian ni Kim ng sampol ang celebrity mom ngunit tumanggi ito dahil sa paos siya.

“Sample naman Janella sa bago mong song,” request sa kanya ni Kim Chiu kaugnay ng bagong release niyang single na “Headtone” under Star.

Ngunit sagot ni Janella, “Medyo paos ako today, kayo na lang. Next time, promise.”

Read more...