LUMA o bagong larawan kaya ‘yung nakita naming post na magkasama sina Aga Muhlach at Julia Barretto kasama ang Viva big boss na si Ginoong Vic del Rosario nu’ng isang araw?
Nagkasama kasi ang dalawa sa pelikulang “Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko” na ipinalabas kamakailan mula sa direksyon ni Denise O’Hara produced ng Viva Films.
Kaya namin naitanong ang tungkol sa litrato nina Aga at Julia ay baka kasi sila rin ang magkatambal sa pelikulang entry ng Viva Films para sa 50th Metro Manila Film Festival ngayon taon.
Baka Bet Mo: Maine nag-sorry sa mga negang tweet 10 years ago: It was my careless self talking…
Sitsit sa amin ng source, si Aga raw ang pangunahing bida sa pelikulang isasali sa MMFF 2024 at baka raw kasi makaulit ang aktor sa hit movie niyang “Miracle in Cell no. 7” na ipinalabas noong 2019.
Matatandaang co-produced ang Viva Films sa Sari-Sari Films, MQuest Ventures, Epik Studio, Ninuno Media sa nakaraang MMFF 2023 para sa Pedro Penduko ni Matteo Guidicelli.
Sa madaling salita ay walang solong entry ang Viva Films sa MMFF 2023 dahil hindi naman napili ang pelikula ni Nadine Lustre na “Nokturno.”
As of now ay walang ibinigay na direktor at cast na makakasama ni Aga dahil nagde-deliberate muna ang mga bosses ng Viva Films kasama ang production.