Karla ibinandera ang next pasabog ni Daniel: Congrats, anak!

Karla ibinandera ang next pasabog ni Daniel: Congrats, anak…Soon!

Ervin Santiago |April 04,2024
facebook
share this

Karla ibinandera ang next pasabog ni Daniel: Congrats, anak…Soon!

Ervin Santiago - April 04, 2024 - 06:10 AM

Karla ibinandera ang next pasabog ni Daniel: Congrats, anak...Soon!

Karla Estrada at Daniel Padilla

ABANGERS ang mga supporters at social media followers ni Daniel Padilla sa matinding pasabog nito na babandera na very soon.

Mismong ang nanay ni DJ na si Karla Estrada ang nagbalita tungkol sa next project ni Daniel pero hindi ito nagdetalye kung ano ang kanyang tinutukoy.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Karla ng litrato ni Daniel kung saan nagpahaging ito na magkakaroon ng bonggang proyekto ang anak na recently lamang ay nag-open ng bagong business sa Dubai.

“To GOD be the glory! Thank you (praying hands emoji),” ang maikling caption ni Karla sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Kathryn ayaw na ayaw maging pa-victim: I can say I’m healed!

“Congratulations, Anak…Soon!” ang nakalagay naman sa text caption ng litrato ni Daniel.

Tila naka-limit naman ang maaaring mag-post ng kanilang reaksiyon sa comment section ng post ni Karla kaya iilan lang ang nabasa naming komento.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ilan sa mga celebrity na bumati at nag-congratulate kay Daniel ay sina Donita Rose, DJ Jhaiho at Vina Morales.

Mapapansin namang ang pagpo-post ni Karla tungkol sa bagong achievement o project ni Daniel ay halos sabay sa pagba-viral ng April cover ni Kathryn Bernardo para sa isang lifestyle magazine.

Hindi kaya isinabay nga ni Momshie Karls ang pagbabalita sa bonggang project ni DJ sa pagbandera ng sexy pictorial ni Kath para sa naturang magazine para kahit paano’y makasabay naman ang anak sa ingay ng pangalan ng dati nitong dyowa?

* * *

Sasagarin na ang gigil ng mga manonood sa “Linlang: The Teleserye Version” pagkatapos nitong maglabas ng magarbong mid-season poster tampok ang mga bida ng serye na sina Paulo Avelino, JM De Guzman, Kim Chiu, at iba pa nilang co-stars.

Nilikha ni Justin Besana ang bagong poster kung saan makikita ang mga bida ng serye na nakasuot ng mga suit at gown habang may basag na salamin sa pagitan nila.

Baka Bet Mo: Karla Estrada magbabalik sa pag-aaral: Nothing is too late

Inulan ng papuri ng netizens ang naturang poster at ibinahagi nila ang kanilang sabik na mapanood ang kaabang-abang na mga rebelasyon sa Kapamilya teleserye.

Sa pagpapatuloy ng kwento ngayong linggo, lalong naging komplikado ang relasyon nina Victor (Paulo) at Juliana (Kim) dahil mainit pa rin ang dugo nila sa isa’t isa at hindi sila nagkakasundo sa pagdadalang-tao ni Juliana.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


Madadagdagan pa ang problema ng mag-asawa dahil determinado si Alex (JM), ang kabit ni Juliana, na makasama ito habang-buhay kaya gagawin ni Alex ang lahat para pabagsakin si Victor at tuluyan na itong mawala sa buhay ni Juliana.

Pumatok ang “Linlang” sa mga manonood nang ipalabas ito sa streaming platform na Prime Video noong 2023 at naging number one show sa Pilipinas. Usap-usapan ang serye online at parati rin itong trending dahil sa pasabog na mga eksena at rebelasyon sa kwento na umiikot sa panloloko at paghihiganti.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sagarin ang gigil sa panonood ng “Linlang: The Teleserye Version” gabi-gabi ng 8:45 p.m. pagkatapos ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa Kapamilya Channel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending