“MAGTANONG sa abogado para protektado.” Ito ang payo ni Sen. Alan Peter Cayetano sa mga may problemang kailangan ng legal na solusyon.
Ito ang panapos na pananalita ng senador para kay Ricca na kumonsulta sa “CIA with BA” tungkol sa kanyang karapatan sa lupa na kanyang naipundar kasama ang live-in partner.
“Medyo matagal na po kaming magka-live-in ng boyfriend ko. We’re both of legal age and pareho naman po kaming single when we started the relationship.
“I can say happy naman po ako with the relationship. Eventually, nakapagpundar po kami kahit papaano ng lupa and do’n po ngayon nakatayo ‘yung bahay namin,” kuwento ni Ricca sa “CIA with BA” segment na “Yes or No” sa Easter Sunday episode nitong March 31.
Baka Bet Mo: Boy, Alan, Pia tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagbibigay ng legal advice sa ‘CIA with BA’ season 3
“So ‘yung lupa, nakapangalan po sa kanya,” aniya pa.
Agad niyang tinanong sina Sen. Alan at kapatid nitong si Sen. Pia Cayetano, “Meron po ba ‘kong karapatan do’n sa lupa?”
“Yes, may karapatan ka,” diretsong sagot ni Pia.
“Ang napakaimportante na fact sa situation mo ay may legal capacity to marry kayong dalawa. Walang hadlang. So nu’ng nagsama kayo, walang hadlang. The law considers you na para namang mag-asawa and therefore, ‘yung sweldo niyo while you’re living together, will be shared equally,” giit ng senador.
“And then kung may property kayo. like yung sinabi mo naipundar, you are governed by co-ownership. Sa madaling salita, hati din kayo doon,” paliwanag niya.
Baka Bet Mo: ‘Christmas In Action’ ng ‘CIA with BA’ nakatulong na may pa-free concert pa
Nagbigay naman ng babala si Alan sa mga manonood na maaarng nasa kaparehong sitwasyon ni Ricca.
“It’s always safe na maganda ang accounting niyo at nasa pangalan niyong dalawa. Bakit? E pa’no kung niloko ka?” sabi niya.
“Halimbawa, meron si Maria at si Pedro. Sinabi ni Pedro, ‘Single ako. O, hati tayo, nabili mo ‘yung lupa.’ Later on lumabas, may asawa pala si Pedro at hinahabol ngayon nu’ng asawa,” sabi ng senador.
“So sa batas, kung actual na nag-contribute ka, mababalik sa ‘yo ‘yon. Kapag hindi actual na pera, halimbawa ‘yung housework mo, hindi maka-count ‘yon, wala kang parte du’n,” paliwanag pa niya.
“E pa’no kung sabihin nu’ng asawa, ‘Hindi, zero kinontribute niyan.’ Tapos wala kayong dokumento, nasa pangalan lang nu’ng lalaki, may problema ka,” giit din niya.
Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Sen. Alan, Sen. Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA, at may replay sa GTV tuwing kasunod na Sabado, 10:30 ng gabi.