Xian Gaza ‘scripted’ raw ang viral na lalaking nagpatattoo sa noo

Xian Gaza 'scripted' raw ang viral na lalaking nagpatattoo sa noo

MUKHANG hindi naniniwala ang social media personality na si Xian Gaza sa mainit na pinag-uusapang lalaki na nagpa-tattoo ng logo ng isang takoyaki store sa kanyang noo.

Matatandaang nag-viral ang isang lalaki matapos niyang totohanin at gawin ang isang “April Fools” post ng naturang takoyaki store para sa P100,000.

Nitong Martes, April 2, nag-post si Xian sa kanyang Facebook page ng kanyang opinyon ukol sa viral na lalaki at sinabing “scripted” ito.

“Hindi fresh yung tattoo sa noo, it means matagal na o henna lang. Hindi rin marunong umarte si Kuya. Halatang scripted. Publicity stunt lamang.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sinabihang ‘protektor ng kriminal’ si Robin Padilla

“Gigil na gigil pa man din kayo. Hahaha! Sayang yung galit niyo mga tanga,” saad ni Xian.

Chika pa niya, kaya raw pala walang video habang nagpapa-tattoo ang lalaki dahil set up lang raw ito.

Ani Xian, naramdaman na raw niya agad na “publicity” lang ang viral na lalaki.

“Nakaramdam na ko Mars kagabi pa lang kaya pansinin mo yung tatlong posts ko about it play safe lahat para hindi ako magmukhang tanga,” sey pa niya.

Nagbigay pa nga si Xian ng “payo” para kay Carl Quion, ang may-ari ng naturang takoyaki store.

“Magkakilala ba kayo? Pakisabi, next time, dapat yung lilitaw na subject ay hindi after a few hours. Halata eh. Nakita lang ngayon tapos after a few hours buo na yung tattoo? Halata. Dapat after 24 hours man lang sabay release ng official statement. Kapani-paniwala kapag ganun,” sey pa ng social media personality.

Kahapon, ibinahagi ni Carl ang video kung saan binisita niya ang lalaking nagpa-tattoo na nakilala bilang si Ramil Albano sa North Caloocan para i-check kung kumusta na ang lagay nito.

Napag-alaman ni Carl na ginawa ng lalaki ang pagpapa-tattoo para sa anak nitong may Down Syndrome.

Read more...