Heaven Peralejo, Marco Gallo buwag na nga ba bilang love team?

Heaven Peralejo, Marco Gallo buwag na nga ba bilang love team?

MUKHANG hindi agad kinagat ng netizens ang naging announcement nina Marco Gallo at Heaven Peralejo o mas kilala bilang MarVen na huling pagtatambal na nila together ang pelikulang “Men Are From QC, Women Are From Alabang”.

Naglabas kasi ang dalawa ng video sa social media nitong Lunes, April 1.

“We’re here because we have something to say… Heaven and I were talking about this for a while and this is a mutual decision and we just wanted to announce that this will be the last project that we will be doing together,” saad ni Marco.

Ang anunsyo raw na ito ay para pasalamatan ang mga supporters na nagmahal sa kanilang love team.

Baka Bet Mo: Heaven Peralejo, Marco Gallo ayaw pa ring lagyan ng label ang relasyon: ‘What you see is what you get!’

Kwento naman ni Heaven, nais rin daw kasi niyang i-explore ang career niya at mag-try ng ibang roles na hindi pa niya nagagawa

Chika naman ni Marco, ayaw na raw niyang matali sa love team kaya nagdesiayon na silang mag-“break” at hindi na muling magkakatrabaho.

Sa huli naman ay inamin nina Heaven at Marco na prank lang ito at entry lang nila para sa April Fools.

Kasalukuyan daw silang nasa set para sa bagong project na pagbibidahan nila together.

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang naturang video.

“It seems like Heaven can’t lie hahaha,” saad ng isan netizen.

Comment naman ng isa, “kinabahan naman ako don…”

“April fool guys ..plz stop it …i literally watched rain in espane today …and I just loved it …u guys are amazing u did a really great job,” sey naman ng isa.

Samantala, malapit nang mapanood ang Philippine remake ng South Koreqn movie na “Sunny” kumg saan magkasama rin sina Heaven at Marco.

Read more...