Iza Calzado sa Easter Sunday: It is a reminder of God’s love for all of us

Iza Calzado sa Easter Sunday: It is a reminder of God’s love for all of us

PHOTO: Instagram/@missizacalzado

PARA sa aktres na si Iza Calzado, ang Easter Sunday ay puno ng kagalakan at pag-asa.

‘Yan ang ibinandera ni Iza sa kanyang Instagram account, kalakip ang ilang pictures ng isang kahoy na krus.

“Easter is a day filled with joy and hope as we celebrate the victory of light over darkness. It is a reminder of God’s love for all of us,” paliwanag ng celebrity mom sa kung ano ang kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay para sa kanya.

Inalala pa ng aktres ‘yung mga panahon na may pinagdadaanan siya sa buhay, pero dahil sa kanyang pananalig sa Diyos ay binigyan siya ng malaking biyaya –ang magkaroon ng anak.

“I am reminded of God’s promise and love as I look back at this photo I took holding this cross on the plane to the Leni-Kiko rally in Davao in 2022. I was not in a good place then,” kwento niya sa IG.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona ibinandera ang kahulugan para sa kanya ng Easter Sunday: ‘This is a sacred time for renewal and rebirth’

Patuloy niya, “My prayer, at that time, was that He leads me to the path best for me.”

“A few months after, I found out I was carrying life inside me. The answer could not be any clearer,” chika pa niya.

Sinabi niya rin na ang kanyang anak na si baby Deia Amihan ang laging nagpapaalala sa kanya kung gaano kalakas ang pagmamahal ng Diyos.

“Today, I am blessed with a loving and healthy child in my life who is a reminder of how great God’s love is,” wika ni Iza.

Ani pa niya, “This cross reminds me that God is faithful. Full of joy and hope in my heart, I pray I get to glorify His name in all that I do. Thank You Lord, for saving me [folded hands emoji].”

Taong 2018 nang ikinasal sa Palawan si Iza at ang mister na si Ben Wintle.

Makalipas ang tatlong taon ay biniyayaan na sila ng napakagandang anak na si Deia Amihan.

Samantala, ang Easter Sunday ay ang huling araw ng Semana Santa kung saan ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang muling pagkabuhay ni Hesukristo pagkatapos ng kanyang pagdurusa at kamatayan sa krus.

Read more...