Han So-hee, Ryu Jun-yeol naghiwalay agad, anyare?

Han So-hee, Ryu Jun-yeol naghiwalay agad, anyare?

Han So-hee, Ryu Jun-yeol

KAMAKAILAN lang nang isinulat namin ang tungkol sa real score ng sikat na Korean stars na sina Han So-hee at Ryu Jun-yeol.

Ngunit makalipas ang dalawang linggo, kinumpirma naman ng talent agencies nila na naghiwalay na ang dalawa upang mag-focus na lamang sa kanilang acting career.

“Han So-hee and actor Ryu Jun-yeol have broken up,” sey ng 9ato Entertainment, ang ahensya ni So-hee.

Paliwanag nila, “They realized that their roles as actors are greater. They have promised not to waste any emotions on personal matters any longer.”

Baka Bet Mo: Yeng Constantino pag-aari na ang lahat ng pinasikat na kanta, naiyak nang mag-goodbye sa Star Music dahil sa sobrang hiya

Inamin ng aktres na naging mahirap ito para sa kanya, pati na rin sa publiko at tatanggapin niya raw ang anumang pamba-bash na ibabato sa kanya.

“Moreover, our responsibility is huge, for not being able to care for our actor as her agency,” wika pa ng talent company.

Anila, “The company failed in its role as a nesting place. We are reflecting. Although it is very late, we are trying to correct it from now on. We hope you will look over her warmly. She will return again healthy.”

Ang malungkot na balita ay kinumpirma na rin mismo ng talent agency ng aktor.

“It is true that Ryu Jun-yeol broke up with Han So-hee,” saad sa inilabas na pahayag.

Kung matatandaan, naging kontrobersyal ang relasyon ng dalawa dahil ang akala ng fans ay pinagsabay ni Jun-yeol sina So-hee at ang Korean actress-singer na si Hyeri.

Hindi naman nagtagal nang nilinaw ni So-hee ang timeline ng pag-iibigan nila ng Korean actor.

Magugunita na tumagal ng mahigit na anim na taon sina Jun-yeol at Hyeri bago tuluyang maghiwalay noong November last year.

At that time nang unang magkita sina So-hee at Jun-yeol sa Hawaii at early this year lamang nang magsimula silang mag-date.

Read more...