NAGPALIWANAG na ang mga magulang ng nag-viral na baby sa nagdaang concert ni JK Labajo sa Paniqui, Tarlac noong March 17, 2024.
Base sa kanilang exclusive interview sa GMA News nitong Biyernes, March 28, kina Neil Patrick Tubino at sa asawa nitong si Fyan Tubino ay poinabulaanan nila ang kumakalat na dalawang buwang gulang lamang ang kanilang anak at sa halip ay seven months old na ito.
Kaya raw sinadya ng dalawa na dumalo ng concert ni JK dahil naaliw raw ang kanilang baby sa mga kanta ng singer-songwriter.
“Sabi ng netizens, 2 months lang yung baby namin. Hindi siya 2 months. Mag-8 months na siya,” paglilinaw ni Neil.
Baka Bet Mo: JK Labajo awang-awa sa umiiyak na sanggol habang nagko-concert
Pagkatapos nito ay ipinakita nila ang video footage kung saan binabasa ng singer ang kanilang banner na may nakasulat na, “Kahit isang karga lang mula sa pinakabata mong fan, Kuya JK.”
Chika ng ama ng sanggol, marahil ay nalito raw ang singer sa sinigaw niya na “2 months pa lang, kasama ka na nito!”
Ang akala kasi ni JK ay two months old lang ang bata at ito na rin ang kumalat sa social media.
Kuwento ni Fyan, fan na ng binata ang kanilang anak simula pa noong 2 months old ito.
“May magandang song si JK na narinig ko sa ‘Senior High,’” pagbabahagi ni Fyan.
Nang malaman nga raw nila ang lyrics ng kanta ay agad nila itong hinanap sa YouTube at napag-alaman na ito ang kantang “Ere”.
“Naalala ko yung sinabi ng pedia sa akin na, ‘Music can soothe babies, music can calm them, can make them relax.’ So di ko naman in-expect na doon sa song na yun ni JK, doon siya mari-relax.
“Every time na magpi-play yun, napapansin kong tumatahimik siya. Kasi si Baby namin, very iyakin. So noong pinagtugtog ko yung ‘Ere,’ bigla siyang tumahimik ‘tapos hinehele ko, nakatulog,” chika pa ng ina.
Eventually raw ay ginawa na nila itong pampatulog sa kanilang anak.
Bukod sa “Ere”, bet rin daw ng kanilang anak ang “Tapusin Na Natin To” ni JK featuring Paolo Benjamin ng Ben&Ben.
Noon raw ay sinubukan nilang ipapanood ang ibang vodeo gaya ng “Cocomelon” ngunit mukhang hindi ito trip ng kanilang anak.
“Umiiyak siya. Ayaw niya. So ibabalik namin siya kay JK ‘tapos doon siya tatahimik,” kuwento ng ina.
Inamin rin niya na may mga kumukuwestiyon raw sa kanila dahil hindi naman daw angkop ang lyrics ng kanta sa edad ng kabilang anak.
Inamin ng ina na may mga kumukuwestiyon na raw sa kanilang responsibilidad sa bata dahil hindi angkop ang lyrics ng kanta sa edad nito.
Depensa niya, “Siyempre alam naman natin na yung mga baby di pa nila alam yung words.”