Danica Sotto unbothered sa isyung panloloko ni Marc Pingris

Danica Sotto unbothered sa isyung panloloko ni Marc Pingris

KALMADO at tila walang pakialam ang dating aktres na si Danica Sotto sa kabila ng kumakalat na isyung diumano’y niloloko siya ng asawang si Marc Pingris.

Kahapon, March 27, kumalat sa social media ang chikang tila magkasama raw ang kanyang asawa at ang aktres na si Kim Rodriguez sa Australia.

Parehas kasing nagbahagi ng pictures ang asawa ni Danica at ang Kapuso actress kung saan makikitang parehas na kuha sa Opera House at Harbour Bridge kaya naman marami sa mga netizens ang nagduda na baka may namamagitan sa dalawa.

Mas lalong nagduda ang mga netizens na baka totoo ang chika dahil bigla raw binura ni Marc ang kanyang Instagram story.

Baka Bet Mo: Marc Pingris nali-link kay Kim Rodriguez, BFF ni Danica pumalag sa viral pics

To the rescue naman ang bestfriend ni Danica na si Pebbles Duque at sinabing walang katotohanan ang kumakalat na balita.

“Re Marc Pingris, That photo was taken before pa Feb 16.  My bestfriend Danica was with him have a very beautiful family built by the foundation of God.

““Ako ang unang bumoto kay Marc.  Ako din ang sasapuk sa kanya. God bless sa inyo mga Marites.  Holy week na, dasal na lang po tayo para naman mabawasan ‘yung mga kasalanan natin,” sey nito.

Makikita naman sa comment section na nag-comment si Danica.

Tila unbothered ito sa isyu dahil maikli lamang ang komento nito.

“Kalma miga! We love you,” sambit ng ni Danica sa post.

Sagot naman ni Pebbles, “Buti ka pa, kalma!”

Read more...