Danica Sotto tuwang-tuwa kay baby Mochi

Danica Sotto tuwang-tuwa kay baby Mochi: Your ates and kuyas love you!

Pauline del Rosario |January 28,2024
facebook
share this

Danica Sotto tuwang-tuwa kay baby Mochi: Your ates and kuyas love you!

Pauline del Rosario - January 28, 2024 - 04:17 PM

Danica Sotto tuwang-tuwa kay baby Mochi: Your ates and kuyas love you!

Danica Sotto, baby Mochi

NA-MEET na ni Danica Sotto, pati ng mga kapatid niya na sina Paulina at Tali ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya –ang newborn daughter ng mag-asawang Pauleen Luna at Vic Sotto na si Thia Marceline o mas kilala bilang si baby Mochi.

Sa Instagram, makikitang nagpunta ng ospital ang actress at panganay na anak ni Bossing Vic na si Danica upang bisitahin si Pauleen at baby Mochi.

Inilarawan ni Danica ang bagong kapatid bilang isang “answered prayer.”

Mensahe pa niya sa second baby ng mag-asawa, “Welcome to the world Thia Marceline. Your Ates and Kuyas love you!”

Baka Bet Mo: Danica Sotto sa mga produkto ng broken family: Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi…

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)

Shinare din ni Paulina ang kaparehong mga litrato at ramdam na ramdam ang kanyang saya dahil apat na babae na raw sila.

“OMG! [Four] girls na kami! Welcome to the [family], baby Mochi,” sey niya sa isang IG post.

Kung matatandaan, last year ng July nang kinumpirma ni Pauleen na buntis siya sa ikalawang anak nila ni Bossing Vic.

Noong January 23 nang isinilang si Thia sa pamamagitan ng Cesarean section.

Bago pa manganak ang aktres, nauna na niyang binanggit na siya ay “blessed” na magkaroon ng isa pang anak dahil mayroon siyang polycystic ovary syndrome (PCOS).

Sinabi rin niya na posibleng ito na ang huli niyang pregnancy o pagbubuntis.

Ayon sa isang health website, “PCOS is a condition in which the ovaries produce an abnormal amount of androgens, male sex hormones that are usually present in women in small amounts.”

Ilan sa mga causes nito ay irregular menstrual periods, excess hair growth, acne at infertility o hirap na mabuntis.

Taong 2016 nang ikinasal sina Pauleen at Bossing Vic, at biniyayaan ng panganay na anak na si Tali noong 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, si Vic ay mayroon pang apat na anak mula sa kanyang past relationships.

Sila’y sina Danica at Oyo Sotto with Dina Bonevie; politician Vico Sotto kay Coney Reyes; at Paulina kay Angela Luz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending