MARAMING natutunan ang dating “Pinoy Big Brother” housemate at alkalde ng Bayambang, Pangasinan na si Niña Jose matapos siyang mag-trending sa social media kamakailan.
“The power of social media is so scary, we have to be truly careful sa mga binibitiwan nating salita,” ito ang natutunan niya tungkol sa viral video na kumalat tungkol sa mabahong mikropono.
Nakapanayam nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika si mayora Niña sa programang “Cristy Ferminute” kaninang tanghali sa Radyo 5 92.3 TRUE FM.
Walang patid ang paghingi ng sorry ng “Ina ng Bayambang” sa mga taong nasaktan niya dahil sa pagiging taklesa niya.
Bago nakausap ng CFM host si Mayor Niña ay inaming nasaktan siya sa mga nabasa niyang pangbabatikos sa dating PBB housemate.
“Mga kapatid nu’ng magbitiw po ako ng salita tungkol kay Mayor Niña Jose Quiambao ang puso ko po ay nagdurugo (dahil) napakalapit po sa akin ng batang ito kaya nang malaman ko ang isyung ito nakalamang po ang sakit ng loob, ang lungkot at hindi galit talaga,” pahayag ni ‘nay Cristy.
Ayon sa alkalde, “Ang nangyari po diyan ‘nay sa flag ceremony po, ‘yung mic nasa podium ko, kasi may kanya-kanyang podium at may sarili po akong podium, so, ‘yung mic po, siguro matagal ng na-store (nakatago) siguro sa pagiging taklesa ko, taklesa talaga ako ‘nay, (at) sa flag ceremony kausap ko kasi ‘yung mga lgu’s family ko and nabitawan ko ‘yung salita na ‘yun without sensitivity.
Baka Bet Mo: Niña Jose sa viral ‘amoy maasim’ comment: Nagpakatotoo lang!
“Gusto ko pong humingi ng paumanhin at gusto ko ring klaruhin na walang gumamit ng mic bago po ako (nagsalita). Gusto ko pong humingi ng tawad sa mga nasaktan at na-offend po sa pangyayaring iyon at sa sarili ko po walang intensyon na makasakit ng damdamin walang intensyon na nangma-mata ako ng tao dahil hindi po ako ganu’n.
“Pinalaki po ako ng magulang ko na to always keep my feet on the ground no matter what life takes you at lagi po akong nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng biyaya niya kung nasaan man ako ngayon I’m always grateful to God sabi ko nga lagi sa mga tao, without God, we’re nothing,” sey ni Niña.
Wala raw sa isipan ng alkalde na may mao-offend siya dahil nga nasanay ang LGU (Local Government Unit) family niya sa kanya.
“Wala po kasi sanay nga po akong ganu’n magsalita sa lgu family ko na para sa akin ay wala lang ‘yun and for them para sa kanila wala lang din and for them joke lang po ‘yun at wala po talagang gumamit ng mic,” paliwanag ni Niña.
“Sabi pa, “actually pinagsasabihan po ako ng pamilya ko kasi madalas akong taklesa, honest na minsan wala po sa lugar, very straightforward po ako.”
At ang pangalang “Poca” na tinatawag niya para palitan ang mic ay hindi niya personal assistant o staff kundi kaibigan niya ito at presidente ng Bayambang Polytechnic College.
“Ito po ‘yung college na ginawa naming sa LGU, initiated po by my husband na nagbibigay ng libreng edukasyon sa Bayambangueno. Kaibigan ko po siya (Poca) at president kaya nagdyo-joke lang talaga kami. At kaya Poca kasi Pocahontas kasi Disney Princess po kami joke ha, ha, ha,” tumatawang sabi ni mayor Niña sa CFM.
At dito na nasambit pa ni Niña, “na-realize ko na ‘yun po talaga ang power ng social media ngayon na kayang balik-baliktarin at kayang i-edit at mamis-interpret ng mga tao and for me alam ko ang totoo and it’s between me and God at nagpakumbaba po ako. The power of social media is so scary, we have to be truly careful sa mga binibitiwan nating salita.”
Samantala, abut-abot ang pasalamat din ni Niña sa lahat ng taong nagparating sa kanya ng suporta hingil sa pangyayari at sa LGU family nya na naintindihan siya at siyempre sa CFM hosts na sina ‘nay Cristy at Romel Chika sa pagbibigay sa kanya ng oras para ipaliwanag ang side niya.
Pinuri naman ni ‘nay Cristy si mayor Niña dahil tanggap nito ang kanyang pagkakamali na paulit-ulit pang humingi ng dispensa.