Dating child star na si Krystal Reyes engaged na sa non-showbiz BF

Dating child star na si Krystal Reyes engaged na sa non-showbiz BF

Krystal Reyes

ENGAGED na ang former child star na si Krystal Reyes sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Lawrence dela Cruz.

Ibinandera ni Krystal sa kanyang Instagram account kahapon, March 25, ang ginawang marriage proposal sa kanya ng partner.

Makikita sa photo na ipinost ng dating child actress sa IG ang kanyang fiancé na nakaluhod sa harapan niya habang sa isa pang litrato ay ipinakita naman niya ang kanyang engagement ring.

Ang inilagay na caption ni Krystal sa kanyang Instagram post ay, “I’d like to hang out with you for my whole life ..(heart emoji).”

Nangyari ang engagement nina Lawrence at Krystal sa isang private resort sa Basco, Batanes with matching sunset background pa, base na rin sa kanilang social media post.

Kasunod nito, bumuhos naman ang pagbati ng mga IG followers ni Krystal sa kanila ng kanyang future husband, kabilang na ang kasamahan niya sa showbiz.

Mensahe ni Barbie Forteza, “Waaaaahhhh congratulations, @krystalreyes08.”

Sey ni Bea Binene, “AWWWWWWW.”

Baka Bet Mo: Krystal Reyes nawindang nang makita ang litrato ni Marco na naka-underwear lang

 

“OH MY GULAAAAAY! CONGRATULATIONS TALAAAAA! IM SO HAPPY,” ang pagbati naman ni Joyce Ching.

Komento ni Carla Abellana, “Congratulations, Krystal! (heart emoji).”

Mensahe ni Shaira Diaz, “Congratulations bessy!!!! (heart emojis).”

Bumati rin sa dating child star ang Kapuso news anchor na si Pia Arcangel, “Awwww! Congratulations Krystal!”

Sa mga hindi pa masyadong aware, unang nakilala si Krystal, o Jolina Marie Bautista Reyes sa tunay buhay, sa hit GMA series na “Bakekang” na umere noong 2006.

Siya ang gumanap na batang Krystal na naging si Lovi Poe nang magdalaga. Ang ilan pa sa mga nagawa niyang teleserye ay ang “Mga Mata ni Anghelita” (2007), “Kaputol Ng Isang Awit” (2008), “Rosalinda” (2009), “Munting Heredera” (2011-2012), “Anna Karenina” (2013), “Carmela” (2014), at “Healing Hearts” (2015).

Read more...