Krystal Reyes nawindang nang makita ang litrato ni Marco na naka-underwear lang

By Reggee Bonoan February 11,2019
share this

Krystal Reyes nawindang nang makita ang litrato ni Marco na naka-underwear lang

By Reggee Bonoan February 11,2019
share this


INAMIN ni Krystal Reyes na kinikilig kay Marco Gumabao pero hindi niya ito ipinahahalata sa aktor dahil baka kung ano pa ang isipin nito.

Magkasama ang dalawa sa bagong digital movie ng Dreamscape Entertainment na “Apple Of My Eye”.

Kuwento ng dating Kapuso youngstar, nawindang daw siya nang ipakita sa kanya ng production staff ng movie ang litrato ni Marco na naka-briefs lang.

Kuwento ng dalaga, no boyfriend since birth siya, “Sobrang nailang lang ako, kasi hindi naman po araw-araw nakakakita ako ng ganu’n.”

Aminado si Krystal na nabaitan siya nang husto kay Marco at papasa naman daw ito sa mga qualities na hinahanap niya sa kanyang dream guy, “Sobrang mabait po kasi, saka ang napansin ko po kay Marco kapag may eksena kaming kilig-kilig kasama ‘yung mata niya kapag nag-smile, e, ganu’n din po ako pag nag-smile hindi na rin ako makakita.”

Crush ba niya si Marco, “Puwede naman po. Hahahaha! Hindi man lang daw ako nagpa-cute!”

Karamihan sa mga babae kapag nakakita ng abs ng lalaki ay pinagpapantasyahan na nila. Posible bang pagpantasyahan din ni Krystal si Marco? “Choosy pa ba? Ha-hahaha! ‘Yung pa-abs niya, tatanggi pa po ba tayo?” tumatawang sagot ng aktres.

Nakakaaliw kausap si Krystal, halatang bata at “manang” kasi nga laking probinsya at aminadong hindi rin siya techie. Nagkaroon lang siya ng cellphone na may camera noong nag-artista na siya kaya relate na relate siya sa karakter niyang si Apple sa digital film nila ni Marco.

“Ang story po nito ay tungkol sa babaeng hindi techie, wala siyang cellphone at walang alam sa internet tapos ‘yung guy (Marco) siya naman po ‘yung techie, nagde-develop siya ng games, lahat ng tungkol sa gadgets alam niya at doon po iikot ang story, kung paano nila mamahalin ang isa’t isa kahit magkaiba ang kanilang mundo.

“Kasi si Apple po middle class lang siya hindi siya nakakaranas ng marangyang buhay, ‘yung isa naman mayaman at may sariling kumpanya. So, ‘yun po ang differences namin,” kuwento pa ng dalaga.

At ang nakapagtataka raw sa kuwento ay si Marco ang nagkagusto kay Krystal, “Siguro po na-curious lang po na parang ‘bakit ganito to, walang cellphone?’ E, sino bang walang cellphone sa panahon ngayon,lahat ng millennial meron. Sa kuwento may flower shop ako tapos ‘yung friend niya nangailangan ng bulaklak kaya pinuntahan niya ako at doon na nagsimula ang lahat.”

Samantala, walang si-nabi si Krystal kung may kissing scene sila ni Marco, pero aniya, “Yung ending po kasi may transition saka pag-uwi ko po ng bahay, kinikilig ako, naka-smile ako.”

Sa tanong kung ano ang magiging reaksyon niya kapag binigyan siya ni Marco ng calendar nito na naka-underwear lang, “Papapirmahan ko po sa kanya at idi-display ko para kapag kailangan ng pampakilig, merong paghuhugutan. Ha-hahaha!”

Anyway, bagong mukha ang kailangan sa “Apple Of My Eye” at mismong writer nito na si Bela Padilla ang pumili kay Krystal bilang partner ni Marco. Kailangan daw kasi isang dalaga na palaban pero sweet ang aura ang gaganap bilang Apple at swak daw dito ang perso-nality ni Krystal.

Malaking adjustment daw para kay Krystal ang “Apple Of My Eye” dahil ito unang beses niyang maging leading lady. Nagsimula kasi siya bilang child star at ito nga ang first mature role na ginawa niya.

Ito’y sa direksyon naman ni James Mayo para sa Dreamscape Digital na mapapanood sa IWant simula sa Peb. 14.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending