MAS gusto sana ni Cristine Reyes na non-showbiz ang maging next boyfriend after nilang maghiwalay ng dating asawang actor-model na si Ali Khatibi.
Pero hindi nga ito nangyari dahil na-in love na siya sa hunk actor na si Marco Gumabao na matagal na niyang kaibigan at ilang beses na rin niyang nakatrabaho.
Inilarawan pa ng premyadong aktres ang love story nila ni Marco bilang “unexpected” dahil nga hindi niya akalain na mapo-fall siya sa isang katropa.
Sa panayam ng broadcast journalist na si Karen Davila na napapanood sa kanyang YouTube channel, natanong nga si Cristine kung paano niya ide-describe ang relasyon nila a si Marco.
Baka Bet Mo: Janella Salvador inaming nagtampo dahil hindi kasama sa cover ng ‘Star Magic 30’: Valid naman siguro…
“Unexpected. Unang-una ‘yun nga sinabi ko and alam naman ito ng mundo na mas gusto ko sana non-showbiz na, but you know, it’s unexpected,” tugon ng aktres.
Sabi pa niya, super happy siya na dumating si Marco sa buhay niya sa tamang panahon at pagkakataon.
“Having him and his family and knowing everybody like his cousins also, they’re very nice people,” sey ng aktres.
Rebelasyon pa ni Cristine, si Marco rin ang nagbalik sa pananampalataya niya sa Panginoong Diyos at muling magtungo sa simbahan. Inamin ni Cristine na totoong nagkaroon siya noon ng tampo kay Lord.
“He brought me back to church kasi nagtampo ako kay Lord e, kasi ‘yung past ko, church people rin sila.
Baka Bet Mo: Boobay nagtampo, kinuwestiyon ang Diyos dahil sa sunud-sunod na pagsubok; hindi kailanman iniwan ni Marian
“So, parang feeling ko nagtampo ako du’n kay Lord na, ginagawa ko naman ah…nag-obey naman ako pero bakit ganito ‘yung nangyari. So when Marco came, he brought me back to church and I’m thankful,” sey pa ni Cristine.
Natanong din ni Karen si Cristine kung napag-uusapan na ba nila ni Marco ang tungkol sa pagpapakasal, “Tsaka na lang natin pag-usapan. Masyado pa kasing maaga.”
Sinagot din ni Cristine kung bakit mas pinili nila ni Marco na gawing private ang kanilang relasyon, “For me, it’s already out here so what’s the point ‘di ba.
“Or siguro let’s just say na my personality talaga, mas gusto ko quiet lang,” aniya pa.