Elijah super yakap kay Miles, sweet na sweet uli sa isa’t isa

Elijah super yakap kay Miles, sweet na sweet uli sa isa't isa

Miles Ocampo at Elijah Canlas kasama ang mga kaibigan

FEELING ng kanilang mga respective supporters, totoong nagkabalikan na talaga sina Miles Ocampo at Elijah Canlas.

Of course, super happy ang mga fans sa development na ito at kung true nga na binigyan uli ni Miles si Elijah ng second chance para sa part 2 ng kanilang love story.

Sa litratong ibinahagi ng direktor ng pelikulang “A Very Good Girl” na si Petersen Vargas nitong nagdaang Sunday night, makikitang kasama niya sina Miles at Elijah.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo ‘biggest blessing’ si Elijah Canlas: I love you with all my heart

In fairness, sweet na sweet ang celebrity couple sa naturang photo dahil nakayakap pa si Elijah mula sa likuran ni Miles.

Puro positibong komento ang nabasa namin sa post na iyon ni Direk Petersen at halos lahat ay nagsabing mukhang nagkaayos at nagkabalikan na nga ang magdyowa.


Bago ito, kinumpirma nga ni Miles na inaayos inaayos nila ni Elijah ang kanilang relasyon matapos maghiwalay last year.

Sa isang panayam kay Miles, diretsahan siyang tinanong kung sila na ba uli ni Elijah na sinagot ng “Eat Bulaga” Dabarkads ng, “Let’s see. We’re working on it.”

Baka Bet Mo: Elijah Canlas pinu-push makipag-kissing scene si Miles Ocampo: ‘Nu’ng magkasama kami sa work, ayaw talaga niya!’

Halos ganito rin ang naging sagot ni Elijah nang tanungin kung bahagi ba ng kanyang 2024 goal ang magkaroon ng bagong dyowa after ng breakup nila ni Miles.

“Looking for love? What if love pa? There’s always love within us, right? There’s always love within us and I have so much love to give, you know.

“Honestly, I have so much love to give. So much love inside of me and I’m willing to give it to anyone who’s willing to accept,” sey pa ng aktor.

Read more...