SEMANA Santa na at sure na sure kaming ngayon pa lang ay naghananda na ang karamihan sa pinakahihintay na much-needed vacation.
Kaya naman bago kayo mag-alisan at magpunta sa iba’t ibang lugar ngayong Holy Week, make sure lang na naplano n’yong mabuti ang mga kailangang gawin para maging maayos, exciting at ligtas ang inyong pagtitika at pagbabakasyon.
Kaya naman naglista kami ng ilang travel and safety tips mula sa Philippine National Police at sa ilang mapagkakatiwalaang internet sites upang maging gabay ninyo sa inyong Holy Week vacation.
1. Unang-una, ipaalam sa mga taong pinagkakatiwalaan kung saan kayo gogora para kahit anong mangyari ay may nakakaalam ng inyong whereabouts.
2. Bigyan ng instructions ang mga maiiwan sa bahay (kung meron man) kung anu-ano ang dapat gawin para maiwasan ang sunog o anumang sakuna na maaaring mangyari sa loob ng bahay.
3. Kung lahat naman kayo ay aalis, siguruhing sundin ang mga sumusunod na checklist para iwas sa mga magnanakaw at Akyat-Bahay Gang.
*I-double check ang mga electrical outlets at tanggalin ang lahat ng mga nakasaksak
*Disconnect LPG connectors.
*I-padlock lahat ng pinto at gate, isara lahat ng bintana at iwang nakabukas ilaw sa harap ng bahay. Set household lights on timers. Iwan ang bahay na parang may tao lang sa loob.
*Inspect and ensure the readiness of your car—battery, lights, oil, water, brake, air, gas/fuel, fluids, tires, accessories, cleanliness, tools and horn. Make sure the spare tire is usable.
3. Hangga’t maaari, huwag i-post sa social media kung saan kayo pupunta dahil baka pag-uwi n’yo ay nalimas na ang mga gamit n’yo sa bahay.
4. Magdala lang ng sapat na pera. Mas mainam kung na-budget n’yo na nang bonggang-bongga ang inyong bakasyon.
Maglaan ng ibang wallet para sa emergency funds at iwasang ipakita ang laman ng inyong wallet sa matataong lugar kapag may bibilhin.
5. Sa mga magdadala ng sasakyan, siguruhing palaging naka-lock ang inyong mga pinto and keep your valuables out of sight at mag-park sa mga maliwanag na lugar.
6. Kung kinakailangang huminto sa isang lugar, tulad ng gasolinahan o convenience store, huwag na huwag iwan ang mga kasamang bata sa sasakyan pati na ang mahahalagang gamit.
Narito ang ilan pang simple at practical na travel tips para iwas abala at stress.
*Palaging dalhin ang school o company ID na may nakasulat na contact information para agad na matawagan in case of emergency.
*Kung keribels, ravel with friends. There is safety in numbers.
*Never, as in never tatanggap ng food or drinks mula sa mga taong hindi n’yo kakilala. Palaging isipin na maaari kayong mapahamak dahil dito.
*Kung hindi naman kailangan, huwag nang magsuot ng alahas at palaging bantayan ang dalang bag at wallet lalo na kapag nasa public area o nasa loob ng restaurant. Okay nang maging praning kesa naman magsisi at umiyak sa ending.
*Kung sakali mang mabiktima ng hold-up (huwag naman sana, knock on wood), huwag nang manlaban. Ibigay na ang hinihingi ng hayop na holdaper na yan para hindi na kayo masaktan.
*Kung magko-commute naman, siguruhing bantay-sarado ang mga gamit pati na ang mga kasamang bata. Pigilan ang antok habang bumibiyahe dahil baka mabiktima ka ng Salisi Gang at kung anu-ano pang gang na nagkalat sa tabi-tabi.
*Huwag na huwag ding kalimutan magdala ng first aid kit, kung saan pwede n’yong ilagay ang iba’t ibang klase ng gamot na kakailanganin n’yo sakaling may emergency.
Sana’y huwag n’yong dedmahin ang mga travel at safety tips na ito dahil mahirap ding mag-research at mag-interview, ‘no! Charot! Ha-hahaha!
Pero seryoso guys, ha, mas mabuti na ang maging handa kesa magsisi sa huli. Enjoy your vacation mga ka-BANDERA!