Mahiya-hiya naman ang Supreme Court | Bandera

Mahiya-hiya naman ang Supreme Court

- October 21, 2010 - 02:30 PM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

BINABALIKAN ng Korte Suprema ang mga propesor ng University of the Philippines (UP) College of Law dahil sa akusasyon na isinampa nila laban sa isang mahistrado rito.
Binabalak ng Kataas-taasang Hukuman na bigyan ng parusa ang mga nagsampa ng demanda kay Justice Mariano del Castillo sa salang plagiarism.
Nanawagan din ang mga UP law professors na magbitiw sa tungkulin si Justice Del Castillo dahil diumano sa plagiarism.
Ang plagiarism ay pagkopya ng artikulo, publication at ibang uri ng pagsusulat ng ibang authors.
Pinawalang-sala ng Korte Suprema si Del Castillo dahil daw nakalimutan lang ng kanyang researcher na magbigay acknowledgement sa scholarly work ng ibang legal minds.
Hindi kataka-taka ang pagwawalang-sala kay Del Castill ng kanyang mga kasamahan sa Korte Suprema.
Pero mahiya-hiya naman kayo, mga kagalang-galang na mga mahistrado, sa inyong gagawing pagbibigay-parusa sa mga propesor ng UP College of Law.
Huwag ninyong gawing sandalan ang inyong mataas na puwesto upang mang-api ng mga ordinaryong mamamayan.
* * *
Sinigurado ng Truth Commission na hindi magiging witch-hunt o paghahanap lang ng butas kay dating Pangulong Gloria na ngayon ay kongresista ng Pampanga.
Mabuti naman kung gayon dahil magkakaroon ng kulay ang imbestigasyon ng Truth Commission.
Ang Truth Commission ay pinangungunahan ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr.
Kung ayaw ng Truth Commission na masabi ng madla na witch-hunt ang kanilang imbestigasyon, dapat ay isama na rin nila ang korapsyon sa hudikatura.
Maraming judges at justices ang diumano’y mga kurakot.
In fact, sa Court of Appeals branch sa Cebu, isang batang abogado na anak ng dating Chief Justice ang inuugnay sa mga pag-aareglo ng mga kaso.
Kasabwat daw nitong batang abogado ang mga corrupt justices ng Court of Appeals sa Cebu.
Pero hindi lang mga Court of Appeals justices sa Cebu ang tumatanggap ng lagay para ayusin ang isang kaso.
Maraming judges at ibang Court of Appeals justices sa Maynila ang nagbebenta ng kanilang desisyon.
May mga balita pa nga na may mga mahistrado sa Korte Suprema na nagbebenta rin ng kanilang mga desisyon.
* * *
Nagreklamo ang mayor ng Panglao, Bohol sa inyong lingkod tungkol sa kawalan ng paggalang sa kanya ng hepe ng tourist protection unit ng Philippine National Police sa kanyang bayan.
Ang Panglao ay isang isla na pinupuntahan ng maraming turista.
Dahil dito, nagtatag ang PNP ng isang unit na nagbibigay proteksyon sa mga turista sa bayan.
Sinabi ni Mayor Benedicto Alcala na hindi nagbigay-galang ang chief ng tourist protection sa Panglao na si Chief Insp. Junnel C. Caadlawan at hindi nagre-report sa kanya tungkol sa mga krimen na ang mga biktima ay turista.
Itong si Caadlawan ay napaka-arogante na maging ang Sangguniang Bayan ay pumasa ng resolusyon declaring him a persona non grata o walang kuwentang tao.
* * *
Bago pa man umabot ang reklamo ni Mayor Alcala sa akin (pinadala ito sa isang handcarried na sulat), na-relieve na itong si Caadlawan.
Pinalitan na siya ng isang PNP officer na marunong gumalang kay Mayor Alcala.
Pero dapat ay imbestigahan ang pinaggagawa ni Caadlawan sa Panglao noong siya ay hepe pa ng tourist protection unit ng Panglao.
Dapat ay maparusahan siya sa kanyang kawalang-paggalang sa mga nakatataas sa kanya.

Bandera, Philippine news at opinion, 102110

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending