MALALIM ang hugot ng Kapuso actor-director na si Xian Lim nang matanong kung ano ang mga naituro sa kanya ng love at pakikipagrelasyon.
Matagal-tagal na rin mula nang maghiwalay sina Xian at Kim Chiu matapos ang mahigit isang dekadang pagsasama bilang magdyowa.
Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, March 23, sinabi ni Xian na ang hashtag ng buhay niya ngayon ay ang, “Be strong and overcome obstacles in life.”
Isa nga sa mga naitanong sa ex-boyfriend ni Kim ay kung ano ang natutunan niya sa larangan ng pag-ibig. Walang binanggit na pangalan si Tito Boy pero obvious namang si Kim ang tinutukoy ng award-winning TV host.
Baka Bet Mo: Kim shookt sa ipinakita ni Xian sa ‘Always’: Hala! Ang galing niya, nakaka-in love lalo!
Sagot ni Xian, “I think it teaches you pain. Love is very painful and it’s also a very magical feeling.
“I think that’s what love does to you. But at a certain point, love disappears. It’s also very painful kasi siyempre, magkaiba kayo.
“You are a different person and the other one is a different person. You have to learn to accept each other.
“And I think du’n na magiging choice ang pagmamahal and you choose to stay together, and you choose to fight for each other, no matter what it is,” paliwanag no Xian.
Baka Bet Mo: OPM icon Joey Albert sa pag-alis noon sa music industry: The second most painful time in my life
Isa pa sa mga questions ni Tito Boy kay Xian ay kung ano ang ipinagdarasal ng aktor ngayon, at base sa naging sagot niya, mukhang tinutumbok nito ang mga naglalabasang balita sa breakup nila ni Kim.
“It’s so easy to make up different things because we have this freedom of speech, we have the social media thing.
“There’s so many different things circulating online so I think that’s also one that I pray for.
“Of course, the people close to me and the people who don’t know me believe what is really legit and really not believe the lies spreading across the internet,” pagbabahagi ng binata.
At sa tanong kung anu-ano ang mga ayaw na niyang balikan sa kanyang past, “Hindi ko babalikan ang mga… I have my own shares of controversies, and it’s a learning process and I don’t know what’s happening.
“Yung mga ganoon hindi ko babalikan kasi it’s a very painful time and it takes a lot of maturity and it takes a lot out of you. So, hindi ko babalikan ‘yun,” aniya pa.
Kung may isang tao namang nais niyang pasalamatan nang bonggang-bongga, yan ay walang iba kundi ang nanay niyang si Ginang Mary Anne.
“I owe a lot sa mom ko because remember, she’s a single mom and she always pushes me. Mom, I wanna say thank you dahil you always push me to be better.
“And lagi niya akong pinapaalalahan na, ‘Xian, you have to really prioritize… know your worth. Stop doing the negative self talk.’ Kasi she catches me doing that a lot.
“Even when I’m down, even when I don’t get work. Kasi sa field naman natin, after you do more project, hindi mo alam kung meron ka pang susunod.
“My mom would always make it light. She would say, ‘Ano anak, kaya pa? Yan ang buhay, anak, na mahirapan ka. Not every day you will wake up and you’re feeling great.
“‘What you have to do is always show up every single day and know what your purpose is,'” mensahe pa ni Xian sa kanyang pinakamamahal na ina.