SINO sa inyo ang mga hindi pa nakakanood ng mga pelikula na official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023?
Nako, pwedeng-pwede pa kayo humabol!
Pitong pelikula ang ipapalabas ulit simula ngayong buwan hanggang sa darating na Hunyo at ito ay libre lang na masisilayan sa Netflix.
Kabilang na riyan, siyempre, ang highest-grossing Filipino film of all time na “Rewind” na pinagbibidahan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Baka Bet Mo: LIST: Mga pelikula, series na perfect sa inyong Valentine’s binge
Heto ang kumpletong listahan kung kailan ire-release sa nasabing streaming platform ang ilang MMFF 2023 entries:
‘Rewind’
Launch date: March 25, 2024
Ang pelikulang “Rewind” nina Marian at Dingdong ay tungkol sa marriage at pamilya.
Iikot ang istorya nito sa karakter ni John na binigyan ng pagkakataon na balikan at baguhin ang mga panahon na pumanaw ang kanyang misis na si Mary.
‘Becky and Badette’
Launch date: April 4, 2024
Marami ang makaka-relate sa mag-bestfriends na sina Becky at Badette na may hinaharap na matinding pagsubok sa buhay.
Ang pelikula ay pinagbibidahan ng mga komedyana na sina Pokwang at Eugene Domingo.
Ang comedy film ay tungkol sa dalawang matalik na magkaibigan na biglang sumikat matapos mag-viral at inakalang lesbian couple.
‘Gomburza’
Launch date: April 9, 2024
Ang “Gomburza” ay base sa makasaysayang pangyayari ng tatlong pari na dumanas ng paghihirap mula sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas noon.
Tatlong katolikong pari ang binitay noong 1872 dahil sa paghihimagsik.
Ikukwwento sa pelikula ang buhay nina Fr. Mariano Gomez, Fr. Jose Burgos, at Fr. Jacinto Zamora na ginagampanan nina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee, respectively.
‘Kampon’
Launch date: April 18, 2024
Ang horror film na “Kampon” ay pinagtatambalan ng aktres na si Beauty Gonzalez at aktor na si Derek Ramsey.
Tungkol ito sa mag-asawang sina Clark at Eileen na eight years nang ikinasal at hindi pa nagkakaanak, hanggang sa may dumating na bata na nagsasabing anak siya ni Clark.
‘Family of Two’
Launch date: June 1, 2024
Marami rin ang makaka-relate sa kwento ng “Family of Two,” lalo na kung close ka sa nanay mo at kung isa kang mama’s boy dahil kwento nila ito.
Ang drama film ay pinagbibidahan ni Megastar Sharon Cuneta at Kapuso heartthrob na si Alden Richards.
‘Penduko’
Launch date: June 7, 2024
Ang “Penduko” ay ang remake ng iconic franchise na may kaparehong titulo.
Ang istorya ay naka-focus kay Pedro na lumaki sa U.S. at nagkaroon ng kakaibang adventure pag-uwi ng Pilipinas.
Mapapanood na namatay ang kanyang ama habang hinahanap ang nawawala niyang ina at diyan niya natuklasan ang isang sumpa at masamang pwersa na sumisira sa kanyang bayan.
Ang titular character ay pinagbibidahan ng aktor na si Matteo Guidicelli.
‘Mallari’
Launch date: June 21, 2024
Nakasentro ang “Mallari” sa fictional descendant ni Fr. Si Severino Mallari na kilalang-kilala bilang kauna-unahang serial killer sa Pilipinas.
Ito ang kauna-unahang horror at psychological thriller movie ni Piolo Pascual.
Ang role niya ay bilang si Jonathan na naghanap ng lunas para sa misteryosong paghihingalo ng girlfriend na si Agnes na gagampanan ng aktres na si Janella Salvador.