BUKOD sa Hollywood independent film na “Bad Man,” may bagong international movie na pagbibidahan ang Pinay actress na si Lovi Poe.
Grabe! Ibang level na talaga si Lovi, pang-Hollywood na ang kanyang acting skills!
Hindi pa nari-reveal kung ano ang titulo ng bago niyang proyekto, pero ito ay pinangungunahan ng American producer-director na si Garry A. Brown na kilala sa paggawa ng Marvel series na “Agents of S.H.I.E.L.D.”
Ang exciting na balita about Lovi ay inanunsyo ng Hollywood and media news na Deadline noong March 21.
Ang upcoming film ay base sa true story ng American fire captain na si Paul Fullerton na bumaligtad ang buhay matapos malulong sa marijuana.
Baka Bet Mo: Lovi Poe durog ang puso sa pagpanaw ng fur baby: ‘Run freely now, Phoebe’
“[His] life is turned upside down when a career-ending accident draws him into marijuana and a collision course with the local district attorney and his small group of rogue police,” saad sa nasabing report.
Ang gagampanan ng aktres sa pelikula ay bilang si Marie, ang misis ni Paul na pinagbibidahan naman ng Canadian actor na si Adam Beach.
Ayon pa sa ulat, ang taping ng pelikula ay nakatakdang magsimula ngayong taon sa Dallas, Texas.
Kahit si Lovi, shinare at ibinandera ang report ng Deadline sa kanyang Instagram page.
Inamin ng aktres na siya ay excited nang maging parte ng upcoming project.
“Couldn’t be happier to share this with you guys,” caption niya kalakip ang screenshot ng headline ng Deadline.
Ani pa niya, “Really grateful for the opportunity to work with such amazing filmmakers and be part of the inspiring true story of Paul and Marie Fullerton.”
Magugunita noong Pebrero lamang nang mabalitaang tampok si Lovi sa Hollywood indie film na “Bad Man” na pinagbibidahan ng “American Pie” star na si Seann William Scott.
Maliban kay Sean, kasama rin ng aktres sina Johnny Simmons (“The Perks of Being a Wallflower”), Rob Riggle (“21 Jump Street”), Chance Perdomo (“After We Fell”), at Andre Hyland (“Barry”).
Ang Deadline din mismo ang nag-anunsyo nito na kinumpirma rin naman mismo ni Lovi sa kanyang social media post.
Natapos na ang taping ng “Bad Man” at ito rin ay isang true story na tungkol naman sa isang federal state police officer na may serious meth problem na nakipag-team up sa isang “morally strict” local deputy upang maimbestigahan ang isang murder.
Kabilang sa mga producer ng pelikula ay ang kanyang mister na si Monty Blencowe.