Solenn Heussaff, Nico Bolzico tuwang-tuwa sa pagbabalik ng pet cat

Solenn Heussaff, Nico Bolzico tuwang-tuwa sa pagbabalik ng pet cat

PHOTO: Instagram/@nicobolzico

FINALLY! Makalipas ang halos isang buwan, bumalik na sa piling ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang nawawala nilang pet cat na si Negroni o mas kilala bilang si “El Gato.”

Sa isang Instagram video, makikita na sinorpresa ng mag-asa ang kanilang anak na si Tili at dito nila ipinakita ang hinahanap nilang pusa.

Habang pinapanood namin ang video, ramdam na ramdam sa pamilya ang pagka-miss nila sa pusa.

“After 29 days and endless explanations to Tili where El Gato is, he decides to come back!” masayang caption ni Nico sa post.

Dagdag niya, “We are really happy but I have so many questions for him! Thanks for all the messages!”

Baka Bet Mo: Nico Bolzico ibinandera ang ‘10 life lessons’ kasabay ng 40th birthday: ‘Life goes fast…’

Sa pamamagitan naman ng Instagram Stories, ibinahagi ng Argentine internet personality ang pagkasabik nila kay El Gato, lalo na si Tili na nais makipaglaro pa sa fur baby.

Biro ni Nico, “El Gato regretting to be back…”

PHOTO: Instagram Story/@nicobolzico

May post din siya na ibinandera ang isa pa nilang fur baby na si Pochi na ayon kay Nico ay masaya rin daw sa pagbabalik ni El Gato.

“Pochi also happy to have him back,” sey ni Nico sa post.

Baka Bet Mo: Netizens sa ‘face reveal’ ng 2nd baby nina Solenn at Nico: ‘OMG! May mini El Padre na!’

PHOTO: Instagram Story/@nicobolzico

Sa comment section, maraming celebrities at kilalang pet lovers ang masaya na muling natagpuan ng pamilya ang alagang pusa.

“I’m so happy to hear this !!!!!!!” komento ng fashion icon na si Heart Evangelista.

Lahad naman ng TV host na si Tim Yap, “Cats really come back [heart emojis]”

Wika ng celebrity mom na si Iza Calzado, “Omg so happy for you guys!!!! [heart emoji]”

Kung matatandaan, noong Pebrero nang nanawagan si Solenn tungkol sa nawawala nilang pusa.

Ang akala pa nga niya ay ninakaw ito sa labas ng kanilang bahay bilang mahilig ito gumala-gala.

“I believe he was stolen as he likes to roam around, but he usually comes back,” caption niya kalakip ang itsura ni Negroni.

Makalipas ang dalawang linggo, inamin ni Nico na nawalan na sila ng pag-asa na makikita muli si El Gato at umaasa na sana ay napunta ito sa mabuting pamilya sakaling may kumuha sa kanya.

“We can only hope that if anyone took you, that person brought you to a nice caring family, and you can make them feel the same joy you made us feel all these years!” ani niya sa IG.

Sa sobrang pagkaalala ng mag-asawa, naglunsad pa ng social media game ang Argentine businessman para sa kanyang followers na ang tawag ay “Finding El Gato.”

Read more...