‘CIA with BA’ sinorpresa si Pia Cayetano sa kanyang 58th birthday

'CIA with BA' sinorpresa si Pia Cayetano sa kanyang 58th birthday

Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano at Boy Abunda

SINORPRESA si Sen. Pia Cayetano ng kanyang mga co-host — ang kapatid na si Alan Peter at Boy Abunda — sa nakaraang episode ng “CIA with BA” para sa kanyang ika-58 na kaarawan.

Ikinubli ng programa sa segment na “Salamat” ang sorpresa nang magpakita sila ng video tribute para kay Pia, mga video greeting mula sa mga taong malapit sa kanya, at sorpresang pagdating ng kanyang anak na si Lucas, kababata at mga staff.

“I wish for her to have a good life and she doesn’t get stressed at work,” sabi ni Lucas.

Para kay Chris Cordero, na kaibigan ni Pia sa loob ng halos 50 taon, sinabi niyang, “It’s such a blessing to have a friend like you.”

“Ang wish ko sa ‘yo, to continue to hunger for the word of God, hunger to change, transform the country, hunger to help young people sa kanilang pamilya, sa sports, sa health nila.

Baka Bet Mo: Boy, Alan, Pia tuluy-tuloy pa rin ang pagtulong at pagbibigay ng legal advice sa ‘CIA with BA’ season 3

“Kasi nakita ko ‘pag nandiyan ‘yung hunger sa ‘yo, nagagawa talaga,” ang pagbati naman ni Sen. Alan sa kapatid. “We’re proud of you. And sana, makita mo that people do love you and do appreciate all that you’re doing.”

Ibinahagi naman ni Tito Boy kung gaano niya kamahal si Ate Pia, na ngayo’y kaibigan at kasama sa trabaho.

“Dati humahanga lamang ako kay Ate Pia, pero ngayon mahal na mahal ko na,” saad niya.

“I am happy to be where I am, I’m happy to be who I am. But if I were a woman, I would love to be you — the commitment, the generosity…lahat-lahat na, ‘yung kabuuan,” sabi ni Tito Boy.

Para naman kay Sen. Pia, sinabi niyang tila nalulugod pa rin siya sa mga sorpresang ganito, lalo na’t sa tinahak niyang karera ay kadalasang siya ang nagbibigay ng serbisyo.

“If you know, sometimes, in my position, nasasanay ka din naman na you don’t really expect anything in return because ‘yung public service is something na, in a way, it’s a calling.

‘And once na tinanggap mo ‘yon—which is tinanggap ko , 20 years na, ang hirap na nag-eexpect ka pa ng something kasi you’ll be disappointed. Like friends will disappoint, colleagues will disappoint.

“This is a lot of things, ikaw kasi ‘yung nagbibigay ng public service, so once in a while, ‘pag ikaw naman ay na-surprise nang ganito, siyempre nakakatuwa,” aniya.

“In my day-to-day life, ako naman I just really strive for balance even though pinili ko ‘yung public service, I know from my training and upbringing na ‘yung daddy ko kasi very balanced ‘yun e, I can perform better if balanced din ako,” pagpapatuloy ng senadora.

Baka Bet Mo: RK Bagatsing pinakilig si Jane Oineza, sinorpresa ng birthday salubong: ‘It’s the effort for me…’

“So to end, I always give thanks to God and for those who want to say a prayer for me, ang hihilingin ko lang is that, let’s pray for leaders that are truly dedicated to the welfare of the Filipino people ‘coz this is the only country we have,” sabi pa niya.

Huwag palampasin ang “CIA with BA” kasama sina Senators Alan at Pia, with the award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo, 11 p.m. sa GMA 7.

Read more...