Ahron Villena biktima ng exploitation noong baguhan pa lang

Ahron Villena biktima ng exploitation noong baguhan pa lang

Ahron Villena

ISANG rebelasyon ang ipinagtapat ng bagong contract star ng Sprkle GMA Artist Center na si Ahron Villena sa madlang pipol.

Sa kanyang guesting sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Huwebes ng hapon, March 21c kasama ang kapwq Sparkle contract star na si Luke Conde, ipinagtapat niya ang naranasang pang-aabuso noong baguhan pa lang siya sa industriya.

“During a movie, yung plaster, kailangan kong mag-plaster, and then cameo role lang ako sa movie na yon,” panimula ni Ahron ukol sa naranasan niyang exploitation.

“Tapos hinanap ako and then, pagpasok niya, sabi niya, ‘O bakit sila naglalagay niyan? Ako na maglalagay niyan.’ Sabi ko, ‘O sige po,’ tapos feel ko parang may something, pero hindi ako umangal,” pagpapatuloy pa niya.

Baka Bet Mo: Pwet ni Ahron Villena pinulutan ng mga beki: ‘Mapangahas…wala ba ‘tong paharap?’

Aniya, “I was too young and siyempre, kumbaga, sa industry natin, baka sabihin, ‘Ang arte naman ni Ahron.”

Hindi na sinabi ng aktor ang pangalan ng taong gumawa ng pang-aabuso sa kanya kahit pa noong nag-off cam ay tumanggi pa rin ito.

Samantala, naususa rin si Ahron ukol sa hindi mamatay-matay na isyung “bakla” umano siya.

Mula kasi ng magsimula ang kanyang karera ay hindi na siya tinantanan ng chika ukol sa kanyang kasarian.

“Way back pa talagang ang dami nang bumabato nang ganyan,” sey ni Ahron ukol s kanyang pagkalalaki.

Ngunit para sa kanya, kung wala naman siyang tinatapakang ibang tao ay wala siyang dapat ipaliwabag sa iba.

“But as long as you know yourself, at wala kang natatapakang tao at wala kang nasasaktan, hindi mo kailangang magpaliwanag sa iba,” sey pa ni Ahron.

Read more...