SUPER excited na ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa unang pagsasama nila ni Alden Richards sa isang bonggang teleserye.
Sa tagal na nina Alden at Dennis bilang mga Kapuso ay ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataon na magkasama at magkatrabaho sa isang acting project.
Yes, asahan na nga ang magaganap na bardagulan sa pagitan ng Kapuso Drama King at ng Asia’s Multimedia Star pagdating sa aktingan.
Sa ulat ng “24 Oras”, ibinandera nga na isa si Dennis sa mga karagdagang aktor na mapapabilang sa inaabangan nang historical drama na “Pulang Araw.”
Gaganap si Dennis sa serye bilang isa sa mga major kontrabida – isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap sa karakter ng mga bida sa kuwento kabilang na si Alden.
Baka Bet Mo: Alden, Sanya, Barbie, David balik-World War 2 sa ‘Pulang Araw’
Sey ni Dennis, looking forward na siyang mag-shooting para sa “Pulang Araw” lalo na sa mga matitindi at buwis-buhay na mga eksena nila ni Alden.
“Excited akong magkaroon kami ng eksena ni Alden, syempre, siya ‘yung hindi ko pa talaga nakakaeksena sa mga ganitong drama, ganu’n.
“Nakatrabaho ko siya sa mga variety shows, pero, ayun excited ako doon, paghahandaan ko ang eksena na ‘yon,” aniya pa.
Baka Bet Mo: Ogie naaawa na kay Dennis dahil sa pangdededma ng mga anak: ‘Itinakwil na ba siya?’
At siyempre, super happy din ang husband ni Jennylyn Mercado na makatrabaho uli sa “Pulang Araw” ang kanyang co-stars sa “Maria Clara at Ibarra” na sina Barbie Forteza at David Licauco at ang leading lady niya noon sa seryeng ‘Cain at Abel” na si Sanya Lopez.
“Siyempre excited akong ma-reunite kay David at Barbie, kay Sanya, nakatrabaho ko na rin dati,” chika pa ni Dennis.
Samantala, dream come true rin para kay Dennis ang makapag-portray bilang kontrabida sa isang napakalaking proyekto.
“Matagal ko na rin hinihintay itong ganitong klaseng project, ganitong kabigat na character ngayon naman as a kontrabida.
“May konting pressure pero mas doon ako sa importansya sa pagkakaroon ko ng challenge bilang artista.
“Sa dami na ng nagawa ko, kailangan ko ng isang mabigat na role na mag-iisip ako at pag-iisipan ko bawat kilos, bawat galaw, bawat dialogue, excited ako sa ganu’n,” pahayag pa ng Kapuso actor.
Mula sa direksyon ni Dominic Zapata at sa panulat ni Suzette Doctolero, malapit nang mapanood ang “Pulang Araw” sa GMA Prime.