‘Mapanakit’ na Agsunta Band 10 years na, may free concert para sa fans

'Mapanakit' na Agsunta Band 10 years na, may free concert para sa fans

Agsunta Band

PARANG kailan lang nu’ng nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan sa music industry ang bandang Agsunta na ngayo’y nagse-celebrate na ng 10th anniversary.

Nakilala ang Pinoy pop-rock band dahil sa kanilang mga hugot at “mapanakit” na mga cover songs at ilang original na kanta na naging theme song pa ng ilang mga hopeless romantic na mga Pinoy.

At makalipas nga ang isang dekada, magkakaroon ang Agsunta ng major-major concert bilang bahagi ng kanilang 10th anniversary sa music industry.

Ang Agsunta ay binubuo nina Stephen Arevalo (drums), Jireh Singson (vocals), Mikel Arevalo (lead guitar), at Josh Planas (bass)

Baka Bet Mo: Ria napa-throwback para sa 10th anniversary ni Arjo sa showbiz: I will always be your number 1 fan!

Titled “The Agsunta 10th Anniversary: Isang Pasasalamat” ay magaganap na ngayong March 23, 6 p.m. sa SM City Tanza, Cavite Parking Grounds. At guys, bongga ito dahil ito ay isang free concert bilang regalo ng grupo sa kanilang mga fans.

Ilan sa mga special guest nila ay sina Nef Medina at 1621 BC.

“We’re proud Caviteños, and this is where it all began for us. We wanted to give back to our community and celebrate with the people who have been with us since the beginning,” ang pahayag ng banda.

Siyempre, kasama sa mga kakantahin ng Agsunta ay ang biggest hits nila kabilang na ang “Kung Di Na Ako,” “Alas Dose,” “Bagong Umaga,” “Gusto Kong Lumipad,” at “Di Man Lang Sinabi.”


Nagsimula ang journey ng Agsunta sa YouTube bilang indie band, kung saan nagkaroon sila ng agad ng mahigit 1.4 million subscribers hanggang sa maging talent sila ng Star Music. Sa ngayon ay nasa pangangalaga na sila ng PPL Entertainment, Inc.

Sabi ni Jireh Singson o Jai nang makausap namin ang banda sa isang intimate chikahan, “We are celebrating our 10th year of being together. We had different people in the past, but what we are celebrating is US being together.

Baka Bet Mo: Zsa Zsa muling dumalaw sa puntod ni Dolphy, ginunita ang 10th death anniversary ng Comedy King; Zia nag-alay ng tula sa ama

“Just like some bands, we started in college, it wasn’t serious, just playing together and just jamming. We didn’t expect to have a space in the industry.

“We didn’t really notice that we’re already on our 10th year, it’s like time flew by and we sometimes get called kuya by some new bands and our fans. We don’t get shy anymore because we feel like we’re their seniors in some way.

“We are so grateful we lasted 10 years, and we feel it’s our time to give back not just to the community, but to the countless Filipinos who listen to our songs over the years.

“This is why we wanted for them to have a really good FREE CONCERT in SM Tanza in Cavite. We all hail from this province. It’s our home turf. We’ve spent a lot of time on tour, like we feel we’ve been in every province imaginable. We love that we get to hear that they know our music.

“We also spent a lot of time composing songs and putting them in the bank so we could release more original songs this year, that’s the goal.

“So you all will have a lot to look forward to. We will be more aggressive, we will also release music videos and vlogs on our social channels,” pahayag ng leader ng banda.

Ibinalita rin ng grupo na magri-release sila ng bagong single sa April 8 na ibang-iba raw sa mga past tracks nila. Siguradong magugustuhan daw ito ng mga in love dahil hindi ito mapanakit.

Read more...