Kim Chiu naiyak sa suporta sa bagong series nila ni Paulo Avelino

Kim Chiu naiyak sa suporta sa bagong series nila ni Paulo Avelino

Paulo Avelino at Kim Chiu

HINDI napigilan ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu ang maging emosyonal dahil sa mainit na pagtanggap ng madla sa Filipino adaptation series nila ni Paulo Avelino ng Korean drama na “What’s Wrong With Secretary Kim?”

Sa kanyang X (dating Twitter) account ay ibinahagi ng “It’s Showtime” na nakatanggap siya ng tawag mula sa staff ng Viu kung saan nagkaroon daw ng technical difficulties ang app dahil sa sabay-sabay na paggamit.

“Just got a call from VIU staff. Kahit ako diko ma view ang mga episodes. Di daw kinaya ng app yung dami ng sabay sabay na pag access at the same time ng 12midnight,” saad ni Kim.

Dagdag pa niya, “Nakakaiyak sa tuwa po [praying hand and yellow heart emoji], saad ni Kim.

Tip ng aktres para sa mga manonood kung paano mapapanuod nang maayos ang kanilang series, i-refresh lamang para lumabas ang drama series.

Baka Bet Mo: Kim Chiu umamin kay Paulo: Nakaka-amaze na makita yung boy version mo!


“[T]hank you sa support for #WhatsWrongWithSecretaryKim #WhatsWrongWithSecretaryKimPH,” sey pa ni Kim.

NI-retweet naman ni Paulo ang tweet ng ka-love team at sinabing, “Okay na daw. Just keep refreshing. Kasing fresh ni Sec Kim.”

Marami naman sa mga netizens ang nag-reply at sinabing deserve na deserve ng aktres ang mga natatamasang blessings.

“Super ganda po congratulations kim and paulo ang galing galing nio. Sobrang nakakakilig. Hay super Inlove talaga ako sa inyo. [heart emoji] Love you both,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Congratulations, Kim and Paulo @mepauloavelino. Sobrang ganda! Being a kdrama fan, I watched the original pero iba kayong dalawa and the cast. Nakakakilig. And the production is world class. Kakaproud maging pinoy. So proud of you both.”

“Finished all 5 episodes just now. Congratulations, @prinsesachinita and @mepauloavelino! You did justice to your roles. The Filipino touch was so apparent yet the kdrama feels were all on point. Had fun watching. Excited to see the next eps. Now sleeping. Haha,” hirit naman ng isa.

Super thankful naman si Kim sa iniwang proyekto sa kanila ni Paulo ng yumaong si Sir Deo Endrinal.

Read more...