SADYANG siksik sa gigil at kilig ang primetime shows ng ABS-CBN matapos itong makakuha ng 168,944,336 total views sa Kapamilya Online Live para sa buwan ng Pebrero ngayong 2024.
Tuloy-tuloy ang maaaksyong tagpo ni Tanggol (Coco Martin) sa “FPJ’s Batang Quiapo” ngayon na mataas ang tsanya niyang makalaya sa kulungan.
Dahil dito, determinado siyang makakuha ng hustisya para sa pagkamatay ni Mokang at susubukan din niyang magbagong-buhay sa tulong ni Bubbles (Ivana Alawi).
Ibang level na rin ang gigil sa “Linlang: The Teleserye Version” dahil buntis si Juliana (Kim Chiu) at si Alex (JM de Guzman) ang ama! Maitatago kaya nila ang katotohanan mula kay Victor (Paulo Avelino) o patuloy nilang paiikutin ang ulo nito?
Baka Bet Mo: Rita Daniela, Ken Chan hindi nakakuha ng major awards sa MMFF 2021 dahil…
Kilig na kilig naman ang mga manonood ng “Can’t Buy Me Love” dahil mas lalong lumalim ang relasyon nina Caroline (Belle Mariano) at Bingo (Donny Pangilinan).
Kasabay nito, unti-unti na silang napapalapit sa katotohanan tungkol sa pagkamatay ng nanay ni Caroline na maaaring makaapekto sa kanilang samahan.
* * *
Ang iconic na bandang Siakol noong 90’s ay nagkaroon ng problema kaya ang songwriter-singer nilang sina Noel Palomo at lead guitarist na si Miniong Cervantes ay kumalas na at nagtayo ng bagong banda na tinawag na Repakol.
Ang ibang kasama sa banda nina Noel at Miniong ay galing din sa iba’t ibang banda kaya gusto nilang magpakilala bilang bagong grupo.
Sa ginanap na mediacon ng Repakol sa The New Music Box Powered by the Library kamakailan ay ipinarinig ng grupo ang mga awiting “Lakas Tama”, “Peksman”, “Gawing Langit ang Mundo”, “Ituloy Mo Lang” at marami pang iba.
Baka Bet Mo: Vice nagpagawa ng gym sa bahay para kay Ion; Enzo, Michelle nagpapakaligaya sa Bora
Kasama nina Noel at Miniong sa banda sina Alvin Palomo (guitar) Wilbert Jimenez (guitar), Raz Itum (bass guitar) at Zach Alcasid (drums).
Hiningan ng update ang abogado ng Repakol tungkol sa mga awitin na kinakanta rin ng mga naiwang miyembro ng Siakol.
Lahat daw ng kanta ng Siakol ay si Noel ang nagmamay-ari ng copyright at royalties at usaping legal ay siya ang Siakol bilang original member at nakaisip ng pangalan.
“Legally sila Noel at Miniong ang Siakol and based on my conversation with other band member si Raz last time ‘yung iba (naiwang member) they tried to register the name Siakol or the trademark kaya sina Noel at Miniong, they tried to appeal. Kaya the court will decide on the appeal,” esplika ng abogado ng grupo.
Samantala, may US Tour ang Repakol at ang EDREN Entertainment ang magdadala sa kanila na doon din nakabase.
Ang titulo ng show ay “Repakol Tropa US Tour” simula sa Abril 20 (Rams Head Live); Abril 26 (58 Manor); Abril 28 (Port ‘N Starboard Ocean Front Banquet Center); Mayo 11 (UR Coliseum); Mayo 18 (Buko Resto-Bar); Mayo 24 sa (Patio Theater) at Hunyo 15 (Fox Theatre).
Anyway, gustong maka-collab ng grupo sina Sarah Geronimo, Yeng Constantino, at Kathryn Bernardo.