TODO pasalamat ang mga estudyante ng Sapang Bato National High School sa Angeles, Pampanga sa international artist na si Apl.de.Ap.
In fairness, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng Black Eyed Peas member ang kanyang pinagmulan, lalo na ang kanyang alma mater.
Yes, nag-aral din si Apl.de.Ap sa Sapang Bato National High School at kamakailan lamang ay bumalik siya roon para bisitahin at pasayahin ang mga estudyanteng naroon.
At bilang pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa dating eskwelahan, nag-donate ang singer-songwriter at record producer ng mahigit 20 laptops para sa mga estudyante.
Kuwento ni Apl.de.Ap sa ulat GTV Balitanghali kahapon, March 19, nakipag-collab siya sa isang international online education platform at isang computer brand para sa kanyang pasorpresa sa Sapang Bato National High School.
Nag-perform din ang international star sa naturang paaralan kasama ang “The Voice Generations” contestant na Ayta Brothers.
Ayon sa Filipino-American rapper, nakikita niya raw ang sarili sa mga batang estudyante sa Sapang Bato National High School na patuloy na nangangarap sa buhay hindi lamang para sa kanilang sarili kundi para na rin sa kanilang mga pamilya.
Baka Bet Mo: Candy Pangilinan naantig sa ginawa ng anak; thankful sa natatanggap na blessings
“I was born here. I grew up in Sapang Bato, and I was one of these kids. As one of these kids I was given an opportunity and became a Black Eyed Peas member.
“And now I’m paying it forward to help kids just like me to be able to have an opportunity to these resources and to be able to compete with the world,” sabi ni Apl.de.Ap sa naturang panayam.
Sey pa ng award-wining rapper-composer, pinaghahandaan na ng Black Eyed Peas ang susunod nilang album na magsisilbing regalo nila sa loyal fans ng kanilang grupo.