Andrea Brillantes ‘wanted’ sa Star Magical Prom, ‘di naka-attend

Andrea Brillantes 'wanted' sa Star Magical Prom, 'di naka-attend

Andrea Brillantes

MARAMI sa mga netizens ang nagtataka kung bakit missing in action ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa ginanap na Star Magical Prom 2024.

Ito ang napag-usapan ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Mrena sa latest episode ng “Showbiz Update” nitong Linggo, March 17.

Naitanong kasi ni Mama Loi kay Ogie kung totoo nga ba ang chikang inisnab ni Andrea ang nasabing prom.

Ayon kay Ogie, mukhang hindi naman daw inisnab ng dalaga ang prom dahil may nauna na itong plano na hindi natuloy.

Baka Bet Mo: Andrea niregaluhan ng motor ang 2 kasambahay; ang next house & lot

“I don’t think so. Kasi parang may nakausap ako. Parang naka-birthday leave si Andrea. Kasi ‘yong birthday niya March 12,” saad ni Ogie.

Dapat raw ay lilipad ang aktres patungong America na kasabayan ng Star Magical Prom.

“Supposedly si Andrea daw nga, ayon sa aking source ay patungong US para magbakasyon. E, hindi siya natuloy. Gustuhin man daw ng batang umattend, hindi ito nakapag-prepare ng isusuot,” chika pa ng talent manager.

Depensa pa niya, hindi lang naman ngayong taon gaganapin ang naturang prom kaya ok lang kung may na-miss si Andrea.

“Hindi naman ‘yan ang last ng Star Magic Prom, ‘di ba. Marami pa rin namang susunod dyan. At taon-taon ‘yan magaganap.

“Kaya huwag na kayong mag-worry kung nasa’n si Andrea Brillantes,” sey ni Ogie.

Samantala, wala pa namang inilababas na pahayag ang Kapamilya star ukol sa pag-absent sa Star Magical Prom.

Read more...