8 bonggang KuryenTipid tips: ‘Get, get out! Shower tayo guys!’

8 bonggang KuryenTipid tips: 'Get, get out! Shower tayo guys!'

SHOOKT sa latest bill ng inyong kuryente ngayong buwan? Halos himatayin na ba kayo nang makita ang napakataas na bayarin sa inyong electricity?

Siguradong gamit na gamit na naman (parang ginawa sa ‘yo ng dyowa mong pinaasa ka lang. Ha-hahaha!) ang inyong electric fan at aircon ngayong patindi na nang patindi ang init sa Pilipinas.

Pero paano nga ba makakatipid sa kuryente ngayong summer season and at the same time, hindi mahimatay at ma-heat stroke sa sobrang hot, hot, hot ng panahon?

Baka Bet Mo: Singil sa kuryente muling tumaas ngayong Hunyo –Meralco

Naglista kami ng ilang helpful tips mula sa ilang tipid tips sites para kahit paano’y makatipid kayo sa kuryente ngayong panahon ng tag-init.

SHOWER TAYO GUYS!

Hangga’t keribels mga besh, maligo nang 2 hanggang 3 beses sa isang araw. Kung laging presko at malamig ang feeling, malilimitahan ang paggamit ng electric fan at aircon.

Mas okay pa kung gagamit kayo ng menthol na shampoo o soap para mas lalong malamig sa pakiramdam. But guys, konting shower lang ang kailangan dahil baka sa bill naman ng tubig kayo maloka nang bonggang-bongga!

LINIS-LINISAN, SIPAG-SIPAGAN

Dalas-dalasan ang paglilinis sa aircon at electric fan para mas lumiit ang konsumo sa kuryente. Kapag kasi nanggigitata at nababalutan na ng alikabok ang mga appliance na ito ay mas maraming kuryente ang nakokonsumo.

Kung ayaw namang gumamit ng tubig, maaaring punasan na lamang ang electric fan at iba pang mga gamit sa bahay ng malinis na basahan.

BINTANA KA BA?

Oh my guys! Kaya naman pala ang hot-hot ng house n’yo kahit bukas na ang mga electric fan ay dahil nakasara lahat ng inyong mga window!

Open n’yo muna ang mga bintana sa bahay para maka-enter ang fresh air para naman kahit naka-turn off ang inyong mga aircon at electric fan ay makasagap pa rin kayo ng sariwang hangin. Just make sure na isara na ang mga window kapag binuksan na ang mga nabanggit na appliances.

GET, GET OUT! 

Kung wala namang gagawin sa bahay, mas mabuting lumabas na lamang muna. Hindi naman kailangang magpunta sa mall at gumastos nang bongga para magpahangin at magpalamig.

Pwedeng magtungo sa park o sa malamig at malilim na lugar na malapit sa inyong house kasama ang inyong mga anak at iba pang kapamilya, kapuso at kapatid. Keribels din namang itaon ang inyong paggo-grocery sa tanghali hanggang hapon para makaiwas sa tindi ng init ng araw.

Baka Bet Mo: Madam Inutz umabot sa mahigit P32k ang bill sa kuryente: ‘Wala talaga akong karapatang magpahinga!’

PATAYIN MO NA ‘YAN!

Hangga’t maaari, huwag nang gumamit ng ilaw sa bahay kung maliwanag pa. Knows n’yo ba na sa bawat dalawang 100-watt na incandescent bulbs na naka-turn off ng dagdag na dalawang oras sa isang araw ay makakatipid kayo ng mahigit P700 sa isang taon.

Pak na pak din ang paggamit ng natural light sa house dahil bukod sa tipid na sa kuryente, makatutulong din ito na mabawasan ang init at alinsangan sa loob ng bahay.

TSUGIHIN SA SAKSAKAN

Isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang kuryente natin kahit pa feeling natin ay tipid-tipiran na tayo ay ang mga appliances na nakasaksak kahit hindi naman ginagamit. Isama na riyan ang mga charger na iniiwan sa saksakan.

Kaya naman ugaliing tanggalin sa saksakan ang mga gamit sa bahay kapag hindi ginagamit. Siguruhin ding hindi agad maaabot ng mga bata sa bahay ang mga saksakan para na rin makaiwas sa panganib at disgrasya.

LET IT GO! MOVE ON NA!

Kung may budget naman, i-let go na ang mga lumang kagamitan sa bahay na pinakinabangan na ng mahabang panahon. Malaki ang matitipid kapag bumili at gumamit ng mga appliances na may energy-saving functions.

NANLALAMIG KA NA BA? 

Siguradong mababawasan ang bill sa kuryente kung nasa ideal temperature lang ang inyong refrigerator at freezer. Ayon sa mga eksperto, kahit nasa lowest o normal level ay magpa-function pa rin nang bongga ang ref at freezer.

Kung meron pa kayong gustong idagdag na KuryenTipid tips, mag-message lang kayo rito o sa mga social media pages ng BANDERA.

 

 

 

Read more...