Ronnie Liang nag-audition para maging K-Pop idol pero biglang umatras

Ronnie Liang nag-audition para maging K-Pop idol pero biglang umatras

Ronnie Liang

KUNG itinuloy ng award-winning OPM artist na si Ronnie Liang ang pagte-training sa South Korea baka isa na rin siyang sikat na K-Pop idol ngayon.

Nag-audition din kasi noon si Ronnie para maging bahagi ng isang boy band na isasabak sa matinding training sa Korea na tatagal ng ilang taon.

Kuwento ni Ronnie nang makachikahan namin at ng ilan pang members ng showbiz press recently, may panghihinayang din siyang nararamdaman kahit paano na hindi niya ito itinuloy.

“That time, kasagsagan ng ‘Ngiti.’ Gusto nila akong dalhin sa Korea. Nag-audition ako sa mga producer. Yung show (sa South Korea) ang may invitation na may audition.

Baka Bet Mo: Netizen rumesbak sa isyu ng paggawa ng porn movies: ‘Ano ba ang stand mo Ronnie Liang? Ang gulu-gulo mo rin ‘no!?’

“Kasi, there’s this trend na they will get artists from different countries and then, they will be combined together and launch them as K-pop (group),” pagbabagahi ng singer-pilot at military reservist.

Ang isa sa naging problema ni Ronnie that time ay kailangan nga niyang mag-stay sa Korea ng hanggang tatlong taon para sa training ng mga makakapasang talents.

“Ang requirement is two to three years ang training. Sabi pa nila, ‘Are you willing, face change (enhancements)?’ Sabi ko, ‘Yes.’ Kaso, three years na walang uwian.


“That time kasi, we were promoting ‘Ngiti.’ Kaka-release ko lang ng kanta. I have contracts, commitments sa shows,” paliwanag pa ni Ronnie.

Sa tanong kung may panghihinayang siya na hindi tumuloy s training para maging K-Pop idol, “Nanghinayang ako, actually, I have to be very honest.

“Pero that time kasi, sabi rin ng advisors ko, suntok sa buwan, ‘Hindi natin alam kasi marami kayo doon, grupo kayo doon kas inga boy band.

Baka Bet Mo: Ronnie Liang sinagpang ng fan, dinilaan sa mukha pero hindi nagalit: ‘I continued to smile and understand their actions and feelings’

“Dito, you’re a solo artist, may gigs ka na, may regular shows. Kasi, nag-audition ako 300 times, nakapasok na ako, ‘tapos iiwan ko para pumunta ako doon. Back to zero ulit,” sabi pa niya.

“Kapag nakakakita ako ng K-pop, napupuno ang Philippine Arena…pero all things work together for good. Kung nangyari yun, baka hindi ako naging reservist o piloto.

“Kapag may kumakanta na foreigners o alam ng mga batang Gen Z ang mga kanta ko when I perform, naaalala ko yung time na nag-audition ako. I auditioned 300, 400 times. So many rejections. Good thing, sabi ko, hindi ako nag-give up.

“Now, because noong time na yun we persevered and we were determined for our dreams, may Ronnie Liang ngayon, may ‘Ngiti,’ and lifetime na ‘yan sa ayaw at sa gusto n’yo,” natawang sey ni Ronnie.

Isa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Ronnie bukod sa pagganap sa kanyang mga tungkulin bilang Army reservist at sa patuloy niyang pagtulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan, ay ang pagpo-promote sa bago niyang kanta, ang “Para Lang Sa ‘Yo.”

Ito’y unang pinasikat ni Ice Seguerra at binigyan nga ni Ronnie ibang atake. Mapapakinggan na ito sa mga digital music platforms. Ido-donate ng binata ang kikitain ng bago niyang kanta sa itinatag niyang Project Ngiti Foundation na nagbibigay tulong sa pagpapa-surgery ng mga batang may bingot.

Read more...