Utangera yarn: 6 tips para hindi mabaon sa utang at iwas-pahiya sa socmed

Utangera yarn: 6 tips para hindi mabaon sa utang at iwas-pahiya sa socmed

UTANGERA ka ba? O ikaw ang palaging inuutangan? Mga besh, panahon na naman ng outing at mga family-barkada bonding!

Siguradong ngayon pa lang ay pinaplano n’yo na ang pagbabakasyon nang bonggang-bongga sa pagdating ng tag-init season. Pero ang challenging na tanong sa Q&A portion — may budget ka na ba?!

Naku, naku, naku! I’m sure, meron na naman diyan na planong umutang sa kanilang mga friendship o kamag-anak para may magastos sa pagta-travel at paglalamiyerda this summer.

Well, okay lang naman ang mangutang pero dapat marunong din kayong magbayad. Kung gaano kakapal ang mukha n’yong manghiram ng pera, dapat ganu’n din kayo karesponsableng magbayad.

Baka Bet Mo: Nagpakilalang asawa ng sikat na basketball player arestado sa mga kasong extortion, carnapping

Marami kaming kakilala na napakagaling lang mangutang pero pagdating na ng oras ng bayaran, pagtataguan ka na at kadalasan “seen zone” ka na lang kapag nag-message ka sa kanila.

Guys, tigilan n’yo na ang “cancel culture” sa isyu ng kautangan dahil kawawa naman ang mga inutangan n’yo na hanggang ngayon ay hindi n’yo pa nababayaran.

Naglista kami ng ilang pwede n’yong gawin para makaiwas na sa pagtatago sa inyong mga pinagkakautangan mula sa ilang eksperto at sa sarili naming karanasan.

MALUHO YARN!?

Tigil-tigilan mo muna ang walang patumanggang add to cart at pagbili ng kung anu-ano na hindi mo naman kailangan. Kung araw-araw kang humihigop ng mamahaling kape, bawasan muna at ipunin ang gagastusin  dito para makabayad sa utang.

Magugulat ka na lang one day, settled na ang utang mo at normal na rin ang blood sugar mo at blood pressure dahil nabawasan din ang paglaklak mo ng kape at milk tea.

RAKET, RAKET, RAKET

Kung keribels pa mga ka-BANDERA, bukod sa regular mong trabaho, maghanap ng extra work para may extra kita. Kesa ubusin ang oras sa pagpo-post ng mga hugot mo sa social media at pag-stalk sa kung sinu-sino sa Facebook at Instagram, gawing mas productive ang libreng time mo.

At kesa unahin ang tsismis tungkol sa kapitbahay mong Marites, magtanung-tanong sa mga mapagkakatiwalaang sources kung saan pwedeng rumaket para dagdag-income rin.

KINSENAS-KATAPUSAN

Gumawa ng listahan ng mga pinagkakautangan. Palaging ilagay sa priority list ang inyong utang para hindi ito matsugi sa inyong core memory. Kung every 15th and 31st of the month ang sweldo – guys please, isama n’yo naman sa computation ng budget ang pagse-settle ng inyong debts.

Siguradong mababawasan ang bigat sa inyong dibdib at kunsensiya kapag unti-unting nabayaran ang kautangan. At sure na sure kami na makakaulit ka pa sa iyong inutangan kapag nagipit at nangailangan uli.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz may patutsada sa taong ayaw magbayad ng utang

LUCKY ENVELOPE

Makakatulong kung gagamit ng envelope sa pagba-budget ng pera. Hindi lang sa relasyon mahalaga ang label, pwede mo rin itong gamitin sa bawat envelope kung saan mo ilalagay ang bawat halaga na kailangan mong gastusin at ipunin.

Siguruhing may envelope ka para sa mga utang. Pwede mo ritong ilagay ang mga extra kita mo para hindi na mabawasan ang iyong regular income. Tulad ng nasabi sa unang tip, umiwas muna sa mamahaling coffee shop at resto kapag bagong sweldo.

WOW, MAY BONUS SI BESHIE!

Sa mga tatanggap ng mid-year bonus o anumang uri ng incentives, bago i-check out ang mga in-add to cart, at bago magpasikat sa barkada at kaopisina, unahin munang bayaran ang malaking utang, lalo na sa mga credit card dahil sa lumolobong interest nito na siyang nagpapalaki nang nagpapalaki sa iyong kautangan.

At kung may matitira pa sa iyong bonus, ilagay muna ito sa iyong savings envelope. Besh, huwag na huwag itong kukupitan dahil parang niloko mo na rin ang sarili mo.

PIGIL, PIGIL DIN PAG MAY TIME

So, nabayaran mo na nga ang inutang mo sa banko, sa 5-6, sa SSS, sa Pag-ibig at sa iba’t iba pang loan companies. But wait, there’s more warning and paalala.

Kung pwede, huwag ka na munang umutang uli para ipambili ng bagong gadgets o appliances. Rest, rest din besh pag may time. Mas okay kung idadagdag mo muna ang amount na ibinabayad mo sa iyong natapos na loan sa iba mo pang utang para hayahay uli ang buhay.

Read more...