Balikat ni Paulo na-dislocate sa weightlifting, bakit ‘di nagsuot ng sling?

Balikat ni Paulo na-dislocate sa weightlifting, bakit 'di nagsuot ng sling?

Paulo Avelino at Kim Chiu

NA-DISLOCATE ang kanang balikat ng Kapamilya actor na si Paulo Avelino habang nagwo-workout.

Nagpapagaling na ngayon ang leading man ni Kim Chiu sa latest ABS-CBN at Viu Philippines series na “What’s Wrong With Secretary Kim” matapos nga ang naturang insidente.

“I dislocated my right shoulder because of weightlifting,” ang pahayag ng aktor sa isang event ng isa niyang endorsement last Friday, March 15.

“I did not wear a sling, masisira kasi pagka-action star ko,” birong chika pa ng aktor.

Baka Bet Mo: Hidilyn Diaz magbibigay ng suporta sa kanyang weightlifting community

Sa Instagram story ni Paulo nitong Linggo, Marso 11, ibinahagi niya ang isang video clip kung saan mapapanood siyang nagbubuhat ng weights.

Nauna rito, nag-post din si Paulo ng isang short video clip sa Instagram Story kung saan makikita nga siyang magwo-workout sa isang gym.


“Huling sandali bago magsakuna. Dislocated my shoulder attempting my PR for power snatches,” ang bahagi ng text caption ni Paulo.

Huwag na raw mag-alala ang kanyang mga fans dahil mabuti na raw ang kanyang kalagayan ngayon,

Baka Bet Mo: Bea nagpagawa ng bonggang gym sa bahay; may pakiusap sa mga bashers

“I’m all good now. Thank you sa nurses and doctors of Makati Med and also sa mga pogi na classmates ko sa gym esp @red_espiritu,” sabi pa niya.

Samantala, nabanggit naman ng aktor sa panayam sa kanya ng ABS-CBN na talagang kinakarir niya ang kanyang itsura sa bawat character na ginagampanan niya para maging makatotohanan at natural na natural.

“My aura or look comes with the role I am doing. I try to stay true to the characters I am doing.

“If you noticed in ‘Linlang,’ I did not put make-up at all. Medyo madungis talaga itsura ko. Here in ‘Secretary Kim,’ I am dapper,” sey ni Paulo.

Mapapanood na ang Filipino adaptation ng hit Korean series na “What’s Wrong with Secretary Kim,” simula sa March 18 sa Viu Philippines.

Read more...