Chiz inihahanda na si Heart sakaling mamaalam na: Paano pag wala na ‘ko?

Chiz inihahanda na si Heart sakaling mamaalam na: Paano pag wala na 'ko

Heart Evangelista at Chiz Escudero

NGAYON pa lang ay inihahanda na ni Sen. Chiz Escudero si Heart Evangelista sakaling may mangyari sa kanyang masama at tuluyan nang mamaalam sa mundo.

“Tough love” ang tawag dito ng mag-asawa dahil kahit buhay na buhay pa nga ay nire-ready na ng senador ang asawa para kahit wala na siya ay kering-keri pa rin nitong mabuhay ng independent.

Ayon kay Heart, inatake siya ng matinding kalungkutan noong nagsimulang magpakita ang asawang senador ng kakaiba at “mapanakit” ng pagmamahal sa kanya.

“You would think kasi na sa dynamics namin na bine-baby niya ako or anything, hindi siya ‘yung ganu’n na type.

Baka Bet Mo: Bianca King naghahanda na para sa panganganak: Doing a hypnobirthing & online birth class

“In a sense, he was very tough love, so I had to learn certain things in the real world outside our family,” ang rebelasyon ng fashion icon sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong weekend.

Ang katwiran naman ni Sen. Chiz at laging sinasabi kay Heart, “’Tough love nga, eh. Kailangang matutunan mo ito. Mas matanda ako sa ‘yo. Paano ka kapag wala na ako?’”

Pag-amin ng senador, dumating daw yung araw na naglabas na ng kanyang saloobin si Heart tungkol dito, “Until one time, sinabi niya (Heart) ‘‘Yun nga ang point. Nandito ka pa, bakit ganyan na? Hindi ba pwedeng pagdating na lang ng panahong iyon?’”


Sey naman ng Kapuso actress, “‘Yun ang hinanakit ko dati. You are teaching me how to live alone, and I’m so lonely. And that because you’re so tough, because you’re afraid that one day…

Baka Bet Mo: Jinkee Pacquiao hindi susundan ang yapak ni Imelda Marcos sakaling manalo si Pacman sa eleksiyon

“One day if he passes and I’m left behind, then I’ll be alone. But I feel so lonely already now. So now na nandito ka, huwag mo naman masyadong ipatikim sa akin na mag-isa lang ako. Kasi alam ko naman na darating ‘yun,” ang sabi pa raw ni Heart kay Chiz.

Patuloy pa ng aktres, “That’s why he was very tough, kasi he was trying to build my character, that I’ll be stronger when that time comes.”

Matatandaang okinasal sina Heart at Chiz noong 2015 at nito ngang nagdaang February ay ginanap ang kanilang renewal of vows noong sa Balesin Island.

Ito’y kasabay na rin ng pagdiriwang ng kanilang wedding anniversary at kaarawan ni Heart last February 14.

Read more...