Yexel Sebastian ‘biktima’ rin sa investment scam: Naipit lang po tayo

Yexel Sebastian 'biktima' rin sa investment scam: Naipit lang po tayo
PINALAGAN ng social media personality at toy collector na si Yexel Sebastian ang inilabas na ulat ng GMA News kung saan inireklamo siya sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng umano’y “junket investment scam” na umabot ng P50B.

Matatandaang base sa report ng “24 Oras”, umabot daw sa 30 katao ang nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) para maghain ng reklamong syndicated estafa laban sa toy collector kaugnay sa naturang scam.

Agad namang dinepensahan ni Yexel ang sarili at sinabing gaya ng iba pang nagrereklamo, biktima rin siya at wala rin daw katotohanan na nag-reach out sa kanya ang staff mula sa programa para kunin ang kanyang panig.
“Wala po ako natatanggap na kahit anong tawag mula sa inyo o mensahe. Ako po ang meron mensahe nun Oct 2 2023 sa isang Programa po ninyo na humihingi ako ng tulong. Paki ask po sa team nyo [dyan].
“Meron po ako screenshot nyan and msgs na hindi nyo na sini seen after ko maikwento ang problema,” saad ni Yexel.

Umalma rin ito sa sinabing umabot ng P50 billion ang nakuha nila ng partner na si Mikee.

Baka Bet Mo: Rendon Labador tutugisin sina Yexel Sebastian at Mikee Agustin sa Japan: Salot sa lipunan!

“30 katao nagreklamo sa DOJ, 50 Billion
anong news na ito [sad emoji] haaay,” ani Yexel.

Muli naman niyang ipinagdiinan na wala silang niloko at bukas sila na ma-interview.
“Uulitin ko po wala kami niloko kahit isang tao, kami po ay nalagay lang sa alanganin
hindi po namin kagustuhan ang nangyari sa amin lahat,” sey ni Yexel.

Dagdag pa niya, “Sa lahat po ng Investors nasa inyo padin ang simpatya ko. Wala lang po ako ngayon kakayahan para makatulong sa inyo dahil kahit po kami ay gumagawa ng paraan hanggan sa kasalukuyan sa ibang bansa. Kaso sadyang naipit lang po tayo. God bless [emojis].”

Matatandaang October 2023 nang pumutok ang balita ukol sa umano’y mga reklamo ng investors na OFWs sa mag-asawang Yexel at Mikee Agustin.

Ilang araw matapos magreklamo ng ilan sa tanggapan ni Sen. Raffy Tulfo ay lumipad patungong Japan ang dalawa kasama na ikinagalit lalo ng mga umano’y inverstors.

Nilinaw naman ng Bureau of Immigration (BI) na walang departure order at derogatory record sina Mikee at Yexel kaya malaya silang nakaalis.

Read more...