Tambalang SnoRene kinakiligan pati ng mga celebs

Tambalang SnoRene kinakiligan pati ng mga celebs

TALAGA namang parami pa nang parami ang kinikilig sa tambalan ng Kapamilya stars na sina Maris Racal at Anthony Jennings o mas kilala bilang SnoRene.

Nag-post kasi si Maris sa kanyang Instagram page ng mga black and white photos nila ni Anthony na kuha bago sila um-attend ng Star Magical Prom 2024.

Matatandaang nitong March 14 ng gabi, nangyari ang isa sa mga inaabangang prom ng mga Kapamilya stars at isa nga ang tambalang SnoRene sa mga most awaited pair na dumalo sa naturang event.

Hindi na rin kataka-taka na maraming mga fans ang nag-comment sa IG post ni Maris ngunit ang nakakaloka ay pati mga kapwa celebrities ay kinikilig na rin sa dalawa.

Baka Bet Mo: Anthony umalma sa sapawan isyu ng DonBelle at SnoRene sa Can’t Buy Me Love

Bandera IG

Makikitang ilan sa mga nag-comment sa SnoRene photos ay sina Angelica Panganiban, Janine Gutierrez, Sherilyn Tan, DJ Chacha, Darren Espanto, Agot Isidro, at marami pang iba.

“Kilig ako shucks,” saad ni Janine.

Comment ni Angelica sa Snorene, “Nakakatuwa kayo.”

“Asusususus,” tukso naman ni Darren.

May iba naman na nagsasabing dapat raw ay kabahan na ang boyfriend ni Maris na si Rico Blanco dahil sa lumalakas na tambalan ng SnoRene.

Pero mukha namang tiwala si Rico kay Anthony sa kabila ng dumadaming tagahanga ng mga ito at sa katunayan nag-meet na rin silang dalawa.

Read more...