Heart naiyak sa tanong ng anak ni Chiz, may natuklasan

 Heart naiyak sa tanong ng anak ni Chiz, may natuklasan

AMINADO ang actress-socialite na si Heart Evangelista at asawa nitong si Sen. Chiz Escudero na dumaan sila sa matinding pagsubok noong 2022.

Sa kanilang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda”, naging bukas ang dalawa ukol pinagdaanan nilang mag-asawa at kung paano nila iniwasan na ma-involve ang kanilang mga kambal sa kanilang problema.

Para sa mga hindi aware, bago pa ikasal sina Chiz at Heart ay may kambal itong anak na sina Chesi at Quino mula sa nauna nitong relasyon.

Pagbabagi ng senador, kahit sa una niyang pakikipaghiwalay ay hindi niya talaga hinahayaan ang mga anak o ang ibang miyembro ng pamilya na makialam sa kanyang pinagdaraanan.

Singit naman ni Heart, matalino ang mga bata kaya kahit na wala silang sinasabi ay nararamdaman nila ito.

Sabi naman ni Chiz, sa tuwing may mga tanong ang mga bata ay sinasagot naman niya ito ngunit hindi na niya idinedetalye pa ang sitwasyon.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista, Chiz Escudero muling ikakasal

“I told them, something’s going on [between Heart and I] but that they should be confident and have faith that it will be alright,” ani Chiz.

Ayon naman sa aktres, lahat naman ng mag-asawa ay dumadaan sa problema.

“In every marriage, most of us go through a rough patch but it was, for me, very hard because of the kids. Again, I didn’t gove them the gift of life but I feel like I am their second mom,” pagbabahagi ni Heart.

Dito ay inalala ng aktres ang isang pagkakataon na nilapitan siya ng lalaking anak ni Chiz.

Lahad ni Heart, “They never said anything pero I remember, I was on the treadmill, lumapit si Quino sa ‘kin. He said ‘Tita Heart, who’s going to take care of you? You don’t know how to get a taxi.'”

Dito raw ay naging emosyonal siya dahil naramdaman niyang worried ito sa kaniya.

“Tapos parang naiyak ako talaga, because he was worried about me […] Tapos sabi ko sa kanya, ‘It’s ok. It’s gonna be ok’. I didn’t elaborate but it was then I realized that they do love me,” sey ni Heart.

Pag-amin ng aktres, tinatawag niyang “darkest time” ang panahon na ‘yun ng buhay niya.

Chika ni Heart, “I knew what I was doing but I didn’t know why. I feel like I was possessed and taken somewhere else. I was full of anger.

“I felt that the situation was bigger than — I was very confused and it didn’t help that I was with the wrong set of people. I was basically out of character.”

Read more...