Mark Leviste miss na si Kris Aquino: I’ll always pray for you

Mark Leviste miss na si Kris Aquino: I’ll always pray for you

(L-R) Bryan Dy, Batangas Vice Governor Mark Leviste, former Congressman Vilma Santos-Recto, at Ryan Christian Santos-Recto

SA ginanap na Barako Festival 2024 sa Lipa City, Batangas ay nakausap namin si Vice Governor Mark Leviste kasama ang ilang taga-media na nagbigay ng update sa kalagayan ng kanyang special friend na si Kris Aquino.

Kasalukuyang nasa Los Angeles, USA si Kris kasama ang bunsong anak na si Bimby at chief of staff niyang si Alvin Gagui at sa one-on-one interview ng una kay Boy Abunda sa programa nito ay humihingi siya ng panalangin dahil sa bagong gamot na ituturok sa kanya na posibleng magkaroon ng hindi magandang result ana magpapalala na immune system nito.

Kaya naman nang makita ang bise gobernador ng Batangas kahapon ay si Kris ang unang tinanong sa kanya at nabanggit na na-postpone ang confinement nito.

“She’s still coping with the treatments. She postponed her confinement at UCLA hospital. While I was still there, nagkaroon ng COVID alert sa mga medical facilities that’s why I decided to go home first.

“But anytime that she needs me to be in Los Angeles, of course I’ll give it my utmost priority,” bungad ni VG Mark.

At kaya siya umuwi ng Pilipinas, ay dahil sa kanyang responsibilidad sa mga kababayan sa Batangas.

Baka Bet Mo: Kris Aquino kay Mark Leviste: You are misleading people

“Siyempre may mga responsibilidad din ako rito kaya kailangan kong magtrabaho rin at mag lingkod. But as I’ve said, isang tawag lang mabilis pa ako sa alas kuwatro na darating sa Los Angeles,” sey ni Mark.

Tinanong  naman namin kung kalian planong bumalik ng “Knight in Shining Armor” ni Kris sa LA.

“Well, kung walang emergency reasons after Holy Week kasi nagsasalitan din kami ng mga sisters niya, ng ibang kaibigan, para hindi sabay-sabay rin (nandoon). That way, we are assured that madam is in good company other than the company of Bimb,” kuwento ni Mark.

At dahil nabanggit si Bimby ay tinanong naming kung kalian darating ng bansa ang bunsong anak ni Kris na planong pasukin ang showbiz dahil ang kuya Joshua niya ay narito na.

“Well, there were plans for him to explore show business pero alam mo si Bimb talagang hahanga ka sa bata. He’s way ahead of his time.

“Even if he’s only barely 17 (years old), he’s turning 17 on April 19 that’s almost month from now but he thinks, he acts, he cares and loves his mom like an adult, well, he is a young adult, he’s mature, very responsible for his age and he takes good care of his mom like no other,”paglalarawa ni vg Mark kay Bimb.

Hiningan naman ng komento si VG Mark para kay Kris at napapikit ito at natawa, “I miss you, I’ll always pray for you and I love you, alam mo ‘yan!”

Natanong din kung paano kumakapit si vg Mark sa parating sinasabi ni Kris na delikado ang anim na buwan taning para sa gamut na ibibigay sa kanya.

“”Of course her condition is critical pero sa awa ng Diyos, nairaraos. Malaking bagay ‘yung mga panalangin na ipinapaabot natin sa kanya (kaya) sa lahat ng sumusubaybay kay Kris, sa lahat ng mga kababayan please continue praying for Kris your prayers go a very very long way sa huli, Diyos lang ang ating sandigan,”pahayag ni Mark Leviste.

Samantala, bilang Batangueno ay ipinagmamalaki niya talaga ang taguri sa kanila bilang Barako na hindi lang sa mga lalaki kundi sa mga babae rin dahil may mga barakong babae rin.

Sina Secretary Ralph Recto at Congresswoman Vilma Santos-Recto ang nagdesisyong isagawa ito sa buean ng Marso kumpara sa naunang BarakoFestival2023 na isinabay ito sa kapistahan sa buwan ng Enero.

Paano ng aba nakakatulong ang ganitong festival para sa mga taga-Batangas.

“Well, first and foremost malaking bagay para sa tourism promotion dahil hindi lang naman Lipa ang nakikilala rito at sa katunayan kaninang naglakad ako ay nakita ko ang iba’t ibang booths na itinayo ng ibang bayan ng Batangas, so different municipalities and cities participated on this festival promoting their local indigenious products.

“So top of mind ang naalala ko ay sinukmani ng Rosario, barong tagalog ng Taal, bagoong ng Balayan, Atis (prutas) ng Lobo, salabat ng Mataas ng Kahoy, balsa ng Lian (Matabungkay beach) at marami pang iba,” kuwento ni vg Mark.

At kaya Barako ay dahil ang Lipa ang coffee capital ng Pilipinas.

“Ang variant ng aming kape ay ‘yung matapang na klase kaya barako ang tawag, saad ng bise gobernador ng lalawigan ng Batangas.

Read more...