Kilalang personalidad may pinautang na P100-M, gusto ‘cash’ kapag ibabalik?

“NO!” ang sagot ng kilalang personalidad sa taong may malaking pagkakautang sa kanya na mahigit P100 milyon.

Ayon sa aming source ay ang pag-aaring magandang resort ang ibinabayad ng taong may malaking pagkakautang sa kilalang personalidad pero tumanggi ang huli dahil ang gusto niya ay cash o liquid ang ibayad.

Nabanggit pa na hindi lang naman ang kilalang personalidad ang may desisyon na tanggihan ang alok ng taong may malaking pagkakautang sa kanya kundi ang iba pa nitong partners.

“May paggagamitan kasi ng pera, e, long overdue na ‘yung utang hindi na nga tinubuan ng interest para mabayaran na puro pangako, e, napako naman.

“Sa panahon ngayon hindi biro ang mahigit P100 milyon ‘no!  Kaya kailangan talaga cash ito hindi puwedeng resort o lupa, hindi mo naman kikitain kaagad ‘yung pera sa resort.  Saka hindi naman ganu’n karaming tao lagi sa resort nila kasi malayo, mas marami ng magagandang resorts ngayon na puntahan ng turista at ng kababayan natin.

“Saka kailangan ng cash ni (kilalang personalidad at partners) kasi may iba silang plano at hindi kasama ang pagkakaroon ng resort sa plano, mabagal ang returns,” kuwento naman ng isa pang source.

Sa kasalukuyan ay puro meetings pa ang nagaganap sa pagitan ng kilalang personalidad at ng taong may malaking pagkakautang kung anong solusyon ng puwedeng gawin dahil habang sinusulat naming ang balitang ito ay hindi stable ang finances ng huli kaya ini-offer niya ang pag-aaring resort na nasa norte.

Wala nanang binanggit ang aming kausap kung hanggang kalian ang taning na ibinigay ng kilalang personalidad sa taong may malaking pagkakautang sa kanya.

“NO!” ang sagot ng kilalang personalidad sa taong may malaking pagkakautang sa kanya na mahigit P100 milyon.

Ayon sa aming source, ang pag-aaring magandang resort ang ibinabayad ng taong may malaking pagkakautang sa kilalang personalidad pero tumanggi ang huli dahil ang gusto niya ay cash o liquid ang ibayad.

Nabanggit pa na hindi lang naman ang kilalang personalidad ang may desisyon na tanggihan ang alok ng taong may malaking pagkakautang sa kanya kundi ang iba pa nitong partners.

“May paggagamitan kasi ng pera, e, long overdue na ‘yung utang hindi na nga tinubuan ng interest para mabayaran na puro pangako, e, napako naman,” kwento ng isa pa naming source.

Patuloy niya, “Sa panahon ngayon hindi biro ang mahigit P100 milyon ‘no!  Kaya kailangan talaga cash ito hindi puwedeng resort o lupa, hindi mo naman kikitain kaagad ‘yung pera sa resort. Saka hindi naman ganu’n karaming tao lagi sa resort nila kasi malayo, mas marami ng magagandang resorts ngayon na puntahan ng turista at ng kababayan natin.”

Baka Bet Mo: Fashion blogger Bryanboy pinaandaran si Rendon Labador, may banat sa P100 na kanin: ‘Yung rice namin galing sa Gucci, 1 kilo is 20,000 euros’

“Saka kailangan ng cash ni (kilalang personalidad at partners) kasi may iba silang plano at hindi kasama ang pagkakaroon ng resort sa plano, mabagal ang returns,” ani pa.

Sa kasalukuyan ay puro meetings pa ang nagaganap sa pagitan ng kilalang personalidad at ng taong may malaking pagkakautang kung anong solusyon ng puwedeng gawin dahil habang sinusulat naming ang balitang ito ay hindi stable ang finances ng huli kaya ini-offer niya ang pag-aaring resort na nasa norte.

Wala namang binanggit ang aming kausap kung hanggang kalian ang taning na ibinigay ng kilalang personalidad sa taong may malaking pagkakautang sa kanya.

Read more...