Sharon sa pagdedemanda ni Kiko ng cyberlibel: It was really kababuyan!

Sharon sa pagdedemanda ni Kiko ng cyberlibel: It was really kababuyan!

SUPORTADO ni Megastar Sharon Cuneta ang desisyon ng kanyang asawa na si dating senador Kiko Pangilinan na sampahan ng kasong cyber libel ang vlogger na si “Bungangera TV”.

Ito ay may kaugnayan sa mga malisyosong video na inilabas nito sa kanyang YouTube channel tungkol sa umano’y pisikal na pananakit ng dating senador sa kanilang may-iina pati na rin sa stepdaughter nitong si KC Concepcion.

Sa isang round table interview nitong Martes, March 12, matapos ang kanyang pagdalo sa 5th anniversary ng “Sheroes” campaign ng isang Filipino insurance company, sinabi ng actress-singer na oras na para ilagay sa tamang kalalagyan ang mga taong nagkakalat ng fake news lalo na’t marami itong pwedeng mabiktima.

“I think it’s about time. Kasi there are things na we choose our battles, there are things na you know that will just die out in the end, na hayaan mo na lang huwag mo na patulan (just let it go, do not engage),” saad ni Sharon.

Pagpapatuloy niya, “But there are things na, teka muna kahit naman mga 100 may maniniwala dito, people who think that everything that is posted is true, there are people like that kaya nga nauso ‘yung tinatawag na fake news .”

Baka Bet Mo: Sharon inaming stupid ang pag-post ng putol na ulo ni Kiko: Nag-away kami

Sinabi rin ni Sharon na ang mga ibinabatong alegasyon laban sa kanyang asawa ay nakakadiri at below the belt na.

“This was really way beyond below the belt kasi parang pinapalabas naghiwalay daw kami ni Kiko because he did something to my eldest daughter. This is so nakakadiri. Sorry, it was really kababuyan,” saad ng singer.

Chika pa ni Sharon, kung totoo man daw ang mga ipinapakalat ni “Bungangera TV” ay siya mismo ang gumawa ng aksyon ukol rito.

“Sabi ko hindi ba nila naiisip hindi naman ako nakakulong, buhay pa si Kiko, so hindi totoo ‘yon.

“Kasi kung totoo ‘yon, napatay ko na siya the whole time,” natatawang sabi ni Sharon.

Ngayong taon ay nakatakdang ipagdiwang nina Ate Shawie at Atty. Kiko ang kanilang ika-28th wedding anniversary.

Read more...