Gwendolyne Fourniol na-hurt nang matalo sa Miss World: ‘What went wrong?’

Gwendolyne Fourniol na-hurt nang matalo sa Miss World: ‘What went wrong?’

PHOTO: Facebook/Gwendolyne Fourniol

SA kauna-unahang pagkakataon, ibinandera ng ating pambato sa 71st Miss World pageant na si Gwendolyne Fourniol ang kanyang saloobin matapos matalo sa kompetisyon.

Aminado si Gwendolyne na naging emosyonal siya dahil naguguluhan pa rin siya kung bakit hindi siya nakapasok sa Top 40.

“I can’t help but be emotional and my eyes are swelling with tears trying to hold it all in so the world can see a brave woman who gave her all,” sey niya sa isang Facebook post noong March 13.

Patuloy niya, “But like any human, I think it is normal to admit that it is okay to be vulnerable, it is okay to be hurt, it is okay to be in shock and question myself and my abilities.”

Baka Bet Mo: Tracy Perez, Miss World PH org kay Gwendolyne: ‘You’re still our winner!’

“I am admittedly still in a state of confusion,” pag-amin ng Pinay beauty queen.

Wika pa niya, “And I asked myself what went wrong, what I did differently or what was missed because I tried to cover all possible angles.”

Gayunpaman, isa raw itong karanasan na pwede niyang mapulutan ng leksyon.

“But the overthinking brought me at a standstill and I now rest in the thought that this is something I can learn from. I also have faith that a divine being is guiding me to a bigger yet an unknown path for now,” pahayag niya.

Magugunita na maraming pageant watchers ang nagulat sa naging kapalaran ni Gwendolyne sa international competition.

Umasa kasi sila na malaki ang fighting chance ng tubong Negros Occidental, lalo na’t isa siya sa mga nangunguna sa pre-pageant activities.

Naging Top 32 siya sa Sports Challenges, Top 25 sa Head-to-Head Challenge, Top 23 sa Talent Contest at Top 20 sa Top Model competition.

Baka Bet Mo: Amy Austria feeling ‘pinagpala’ nang matalo sina Nora at Vilma sa pagka-best actress sa MMFF; hindi nagagalit kapag dinededma ng baguhang artista

Nangyari ang coronation night ng 71st Miss World noong March 9 sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India.

Kahit hindi naiuwi ni Gwendolyne ang korona, nangako siya na ipagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya na malapit sa kanyang puso.

“I have come to realize that there are things within my control that I gave my best on. And there things not within my control that I lifted up to destiny and to God. I shall soldier on… because I know I will be stronger, better and wiser,” sambit niya sa FB post.

Kasunod niyan ay lubos niyang pinasalamatan ang Miss World Organization (MWO) para sa once-in-a-lifetime journey.

“I have met 112 gorgeous women with impactful voices and social causes that will make a difference in the world. And this brings me so much joy,” wika niya.

Ang bagong may hawak ng Miss World title ay si Krystyna Pyszkova na pambato ng Czech Republic.

Ang Pinay beauty-actress naman na si Megan Young ang nananatiling nag-iisang Miss World winner ng Pilipinas.

Nakuha niya ang titulo noong lumaban siya sa 63rd edisyon nito na nangyari noong 2013.

Read more...