Ruby Rodriguez inilihim sa Dabarkads ang paghahanap ng trabaho sa US

Ruby Rodriguez inilihim sa Dabarkads ang paghahanap ng trabaho sa US

HINDI pala ipinaalam ng TV host-comedienne na si Ruby Rodriguez sa management ng “Eat Bulaga” na naghahanap siya ng trabaho sa Amerika.

Yan ang rebelasyon ng isa sa mga original Dabarkads nang ibahagi niya ang katotohanan sa kanyang pag-alis sa longest-running noontime show sa Asia. Mahigit 31 years ding naging co-host si Ruby sa “Eat Bulaga”.

Ayon kay Ruby, talagang nagdesisyon siya noon na huwag munang sabihin kina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at sa iba pang Dabarkads ang kanyang planong pagtatrabaho sa ibang bansa.

Tanging si Pauleen Luna lang daw ang nakakaalam ng lahat dahil ang aktres at TV host daw talaga ang kanyang BFF sa lahat ng hosts ng “Eat Bulaga”.

Sabi ni Ruby, ang talagang rason ng pagpunta at pagtatrabaho niya sa US ay para maipagamot ang bunso niyang anak na may special needs. Kailangan din na may regular work siya doon sakaling mag-migrate na sila.

Baka Bet Mo: Hirit ni Joey kay Ruby: Marunong pa kaya siyang mag-Tagalog? Kilala pa kaya niya tayo?

Kuwento ng komedyana sa panayam sa kanya ng US-based Filipina host na si Jannelle So sa isang vlog sa kanyang YouTube channel, two years na siya ngayong nagtatrabaho sa Philippine Consulate Office sa Los Angeles, California bilang staff member.

Aniya, aalis na sana siya sa Pilipinas para magtrabaho sa Philippine Consulate noong April, 2020, pero biglang nagkaroon ng COVID-19 pandemic. May, 2021 na nang makalipad siya pa-Amerika para simulan ang kanyang work doon.

“I kept quiet. It’s my private life. This is private. I was quiet about it because you don’t know what will happen, okay. That’s why I kept quiet,” ang pagbabahagi ni Ruby tungkol sa plano niyang pagtatrabaho sa US.

“If it pushed through, they will know. If it doesn’t push through, no harm done. Image intact,” katwiran niya.

“They didn’t know. They didn’t know. The only person who knew what I was doing that’s in this business was Pauleen Luna because she’s my best friend. And I know she’ll keep quiet about it,” sabi pa ng veteran comedienne.

Hindi naman daw siya pinigilan ni Pauleen na umalis dahil nga para rin ito sa anak niya, pero ikinalungkot daw ito ng misis ni Bossing Vic.

Nang makapasa si Ruby sa Philippine Consulate Office sa L.A. noong 2019, nagtungo siya agad sa US para sa kanyang interview. January 1, 2020 ay pwede na siyang magsimula.

Pero nakiusap si Ruby kung pwedeng April, 2020 na siya mag-start para may sapat pa siyang panahon para makapagpaalam sa “Eat Bulaga” lalo na sa producer ng show na si Tony Tuviera o Mr. T.

“I said, ‘Magpapaalam lang po ako formally to our producer para hindi po ako ma-put on the spot,’” aniya. Ang paaalam daw niya ay “indefinite leave.”

Pero napurnada nga ang pag-alis ng TV host noong April, 2020, dahil sa pagsisimula ng pandemya ng March kasunod ang worldwide lockdown. Nangako naman daw ang employer niya sa US na pwede naman siyang magtungo roon kapag maluwag na uli ang pagta-travel.

Kasunod nito, hindi na rin siya tinawagan para makabalik sa “Eat Bulaga” pero nakagawa pa siya ng teleserye that time sa GMA, ang “Owe My Love” noong 2021 at pagkatapos nito ay saka siya lumipad patungong US (May, 2021).

“When they (US) fully opened, I got an email, ‘Can you come now?’ I said, ‘Okay.’ Around April, I booked a ticket and arrived May 2021. Tapos meron pa noon, before you go to work, quarantine for 10 days,” pagbabahagi pa ni Ruby.

Read more...