Panganay ni Dennis na si Calix gustong mag-artista pero biglang atras

Panganay ni Dennis na si Calix gustong mag-artista pero biglang atras

Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Calix at Alex Jazz

GUSTO rin palang mag-artista at sumabak sa mundo ng showbiz ang anak ng Kapuso Drama King na si Dennis Trillo na si Calix Andreas.

Ang wifey ni Dennis na si Jennylyn Mercado ang nagkuwento tungkol sa pagiging interesado ng kanyang stepson na mag-join sa showbiz at sundan ang mga yapak ng kanyang ama.

Pero ayon kay Jen, nagbago na raw ang isip ng bagets dahil nakikita nito ang mga demands sa showbiz tulad ng nararanasan nila ni Dennis kapag gumagawa ng teleserye at pelikula.

Baka Bet Mo: Alessandra napagod, nandiri sa school kaya tumigil sa pag-aaral: Sabi ko sa nanay ko, gusto ko na lang mag-artista

“Ngayon 17 na siya, so nakikita niya ang hirap pala. Hindi pala ganu’n kadali ‘yung pagod, ‘yung puyat, hindi namin kayo nakikita buong araw,” pahayag ng Kapuso Ultimate Star sa isang panayam.


May mga iba na raw gusto ngayon si Calix, sey ni Jennylyn, at feeling niya magbabago pa ito habang dumadaan ang panahon, “So ngayon nag-iba na siya ng gusto sa buhay.

“Ayaw na niya maging artista at saka kapag nakikita n’ya na kapag lumalabas kami parang sinasabi niya, ‘Ano ba ‘yan? Bakit ang daming nagpapa-picture?’ ‘Yung ganyan,” lahad pa ni Jennylyn.

Sa mga hindi pa aware, si Calix ay anak ni Dennis sa aktres at dating beauty queen na si Carlene Aguilar.

* * *

Ngayong Biyernes, March 15, iri-release na ng OPM band na Sala ang kanilang debut single mula sa AltG Records na “Hi Tita!,” this March 15 sa lahat ng digital platforms worldwide.

The song tackles the relatable and often uncomfortable experience of being pressured by family and friends to get married and have children.

“‘Hi, Tita!’ is for people who are being pressured by people around them to get married and have a baby. It’s an experience most of us are having.

Baka Bet Mo: Janella aprub sa pag-aartista ni Jude: Mas bibo pa nga siya sa akin!

“We just want our listeners to know that they don’t have to give in to that pressure. You don’t have to rush anything, and there’s nothing wrong in choosing career over your relationship. Prioritize your priorities.

‘Sabi nga sa lyrics ng kanta, ‘walang masama kung lamang ang kayod sa kilig,” sabi ng vocalist ng grupo na si Neth Macam.


Sey naman ni Fourth, ang drummer at percussionist ng Sala, tungkol sa title ng kanta, “‘Hi, Tita!’ is the title because it’s usually the ‘titas’ who are asking. They don’t understand why people nowadays are choosing to focus on their careers and personal growth before settling down. It’s a message against outdated mindsets.”

Sala started as a trio with Neth Macam, Fourth Dayag, and Ronald Villader, the band’s bassist. They later met Rigil Kentaurus Borromeo, the band’s guitarist and producer. With a shared passion for music and a strong bond of friendship, the band is determined to make a name in the music industry.

“AltG Records provided us with a platform to share our music with a wider audience. We are grateful for the opportunity to have our voices heard,” sabi ni Fourth.

Catch Sala’s debut single “Hi, Tita” under AltG Records on March 15 on digital platforms worldwide.

Read more...