NAG-RESIGN na ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III sa kanyang posisyon bilang chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Ayon sa nakarating sa amin, tinanggap na ng Malacañang ang pagbibitiw ni Tirso noon pang nakaraang linggo.
Base rin sa mga chika ay ang magiging officer-in-charge sa pagkawala ni Tirso ay si Rica Arevalo, ang head at project head/project development officer para sa Film Education Division.
May mga balita rin na baka ang writer at direktor na si Joey Reyes ang nakatakdang pumalit sa kanyang puwesto.
Noong termino pa ni Tirso ay si Joey ang nagsilbing technical consultant ng FDCP.
Ilan sa mga programang naitaguyod niya ay ang pagsuporta sa mga existing film festivals pati na rin sa mga producers sa pamamagitan ng film grants at incentives.
Ilan sa mga ito ay ika-anim na edisyon ng Full Circle Lab Philippines na gaganapin sa March 18-24 sa Quest Plus Conference Center sa Pampanga at sa April naman ang pangalawang edisyon ng Parangal ng Sining o Honor of the Arts).
Tumagal ang termino ni Tirso sa film council mula July 2022 kung saan pinalitaan niya si Liza Diño hanggang March 2024.
Sa ngayon ay wala pa namang opisyal nacpahayag ang FDCP ukol sa pagbibitiw ng beteranong aktor sa kanyang pwesto.