Premyadong aktres umayaw sa interview ng sikat na female TV host

Premyadong aktres umayaw sa interview ng sikat na female host

SA UNANG pagkakataon ay nakatikim ng “NO” ang female TV host para makapanayam nang solo ang premyadong aktres na iginagalang sa showbiz industry.

Dumaan sa secretary ng premyadong aktres ang hiling ng female TV host na ma-interview siya nang solo na kaagad namang ipinarating at excited pa nga ang staff dahil mapi-feature na ang aktres sa programa.

Pero ang mabilis na sagot ng premyadong aktres ay “NO!” na ikinagulat ng secretary at ng female TV host.

Ang katwiran ng premyadong aktres, “Ang tagal kong nasa ____ (network) same with her, tapos ngayon gusto niya akong ma-feature?”

Kuwento pa sa amin ay baka gusto lang din ng female TV host na mapabilang sa mga kilalang host na naka-one-on-one na ang premyadong aktres.

Nagulat lang kami na may “taray” on the side pala ang aktres dahil kilala siyang super bait, mapagbigay, down to earth, walang yabang sa katawan kahit may mga award na.

Baka Bet Mo: Aktres, sikat na personalidad laging nakikitang magkasama, magdyowa na?

At in fairness, super love siya ng lahat at wala kaming nabalitaang may nakasamaan siya ng loob sa showbiz.

Marahil hindi lang nagustuhan ng premyadong aktres na ilang dekada nga naman siya sa network kung saan nandoon din ang female TV host pero kahit kailan ay hindi siya in-interview.

Dagdag pa ng aming kausap, “Dinadaan-daanan nga lang siya noon at hindi nga rin ngumingiti.”

Natandaan pala iyon ng aktres, “Oo naman, lola mo very sharp ang memory niyan kahit may edad na,” say pa ng aming kausap.

Read more...