KUNG may mga natuwa sa “pangdadakma” ng oldest tatoo artist na si Apo Whang Od kay Piolo Pascual, may mga nagsabing harassment na ang kanyang ginagawa.
Viral na ngayon sa social media ang YouTube video ni Piolo kung saan makikita nga ang paghipo ng legendary tattoo artist sa private part ng aktor.
Kasama ni Piolo ang kanyang kapatid na si Pochie sa Buscalan, Kalinga Province upang magpa-tattoo sa 107-anyos na si Apo Whang Od.
Makikita sa video kung paano dinakma ni Apo Whang Od ang maselang bahagi ng katawan ni Piolo. Wala nang nagawa ang aktor kundi matawa na lamang habang nagsisigawan ang mga taong nasa paligid nila.
Hindi lamang si Piolo ang “nabiktima” ng pangdadakma ng pinakamatandang itinuturing na tattoo sa bansa, marami na rin siyang male celebrities na nahipuan na ipino-post din sa social media.
Maraming netizens ang natawa at nainggit sa ginawa ni Whang Od kay Papa P pero meron ding mga na-offend at nainis. Anila, maituturing daw na isang uri ng harassment ang ginawa ng tattoo artist kay Papa P.
Baka Bet Mo: Piolo parami nang parami ang resort-hotel business, pinayuhan ni Ate Vi
Narito ang ilan sa comments ng nga netizens na nabasa namin.
“Dapat may Guinness Book of World Records na si Apo eh. Pinakamaraming nakapkap hahaha.”
“Mapapa-sana all ka na lang talaga!”
“Sana ako na lang si whang od.”
“Ikaw na talaga apo!”
“Kasuwerteng nilalang hahahaha.”
“What Apo Whang Od did is hindi tama and don’t close your eyes sa fact na iyan just because she is an icon. Imagine if it’s an old man who did that? Everyone, if not all, will be pissed off. Kaya I don’t understand bakit nagsa-sana all pa kayo!?”
“This shouldn’t be condoned. Alam ko malaki ang respeto natin kay Whang Od at sa sining niya ng pagtatattoo. Pero dapat ba natin baliwalain itong ginagawa niya? Kung matandang lalake si Whang Od, ano na lamang ang reaction ng mga tao?”
“My opinion on the Apo Whang Od dakma issue: It becomes offensive when one party did not give permission, or was offended, or was uncomfy. Piolo did not say No, did not move away, and was laughing in good fun. Anong next na icacancel nyo, yung mga tribe women na walang bra?”
“May talak kay apo whang od dedma kay Quiboloy mga depotah… Ibang level talaga mga wokeninam thesis ghoooorls dito.”
“APO WHANG OD getting cancelled by twitter wokes, at her age. Please, give the same energy sa mga academics nyo na puro reklamo lng ng reklamo kineso pagod na kayo HAHAHA Kalowka.”
“My thoughts on the Apo Whang Od issue. U go there to support her. At her age cancelling her doesn’t do anything. Just dont visit her if u are not comfortable with what she does. If there are people who feels victimized, the victim should be the one speaking about it. NOT YOU.”